Chapter 17

5.9K 176 53
                                    

"Hoy!"

"Ano ba!" singhal ko kay Julia nang itulak niya ako.

"Anong ano ba? Nakatulala ka diyan e! Ano bang iniisip mo?" tanong niya at pinatong ang baba niya sa palad niya at tumingin sakin.

"Wala." deretso kong sagot at umiling.

Ayokong sabihin sakaniya.

Naalala ko kasi yung sinabi ni Keith sakin kagabi na may ibang gusto si Ianrie. Pinagmasdan ko ang galaw ni Ianrie buong umaga hanggang sa maglunch kami ngayon pero wala namang kakaiba sa kilos niya. Wala naman akong nahahalatang kinikilig siya sa iba o ano.

"Aha!" mahinang sigaw ni Julia na tama lang para ako ang makarinig. "Si Ianrie iniisip mo? Bakit? Natotomboy ka ba?"

Hindi na ako nakatiis at binatukan ko siya. Ang daldal masyado! Manang mana nga 'to kay Tito Jules!

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakaniya. Pero kasi sakanilang lahat, si Julia ang pinaka-kaclose ko. Bukod sa pinsan ko siya ay parang bestfriend ko na din siya.

"I'll tell you later," sabi ko sakaniya at tinignan sila Keith na parating at may hawak na tray na may pagkain.

Nilapag niya iyon sa harap ko at pinausog ako. Napatingin ako kay Ianrie at nakita kong nakatingin din siya pero agad siyang nagiwas ng tingin.

Hinalo ni Keith ang carbonara at inikot ang tinidor bago itapat sa bunganga ko.

"Nganga, bilis!" utos niya at pagkanganga ko agad niyang sinubo sakin ang pagkain.

"Baldado ba kapatid ko?" tanong ni Kuya na nasa harap lang namin.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Keith.

"Hehe. Namiss ko kasi 'tong si Brina, Kuya." sabi niya at inakbayan ako. "Nawalan na kasi ako ng time sakaniya."

"Naiintindihan niya naman kung bakit. Alam niyang si Ianrie ang pinagkakaabalahan mo." ngumisi si Kuya at nangantyaw na agad sila Enzo.

"Neke nemen! Boss Keith kay Ianrie lang magmamahal!" asar ni Enzo at nagtawanan ang lahat.

Ngumiti lang ng bahagya si Keith kaya napatingin ako ulit kay Ianrie. Nakangiti siya pero halatang naiilang.

"Bakit dito ka? Tabihan mo si Ianrie." bulong ko kay Keith.

"Please, pagpahingahin mo muna ako." bulong niya pabalik.

Hindi na ako kumibo at kumain na lang. Hindi namin kasama ang dalawang masungit dahil yung isa, kasama ang girlfriend niya at yung isa naman, matutulog daw.

Pagkatapos naming kumain ay nauna na agad sila Kuya. Kailangan pa daw kasi nilang magreview para sa quiz nila.

"Pakibigay na lang 'yan kay Kyle!" pahabol ni ate Love bago sila umalis.

Binilhan niya kasi ng pagkain si Kyle. Kay Enzo niya ibinigay.

"Pano kaya kung hindi ko ibigay? Kainin ko na lang kaya?" sabi niya at tinignan ang laman.

Agad naman siyang binatukan ni Janeah. "Mahiya ka nga sa ginagawa mo!"

Nagkamot ulo lang si Enzo at tinitigan ang pagkain na hawak niya.

Bago ako bumalik sa room dumaan muna ako sa restroom.

Nagulat ako nang makita ko si Ianrie na nasa likod ko sa salamin.

"Bwisit ka!" singhal ko.

Akala ko multo!

Tumawa siya kaya pumasok na ako sa isang cubicle at umihi.

My Other HalfWhere stories live. Discover now