Chapter 51

4K 143 49
                                    

Ilang linggo ang lumipas. Simula nung araw na iyon sinigurado na nila Kuya na lagi akong may kasama. At kung sino iyon? Si Kyle at si Brozon. Laging nakabantay sakin sa kahit saan ako pumunta. Feeling ko nga mas lalo lang lumalala ang nangyayari dahil silang dalawa ang sumasama sakin. Kada nadadaanan namin sila Zoe katakot takot na tingin ang ibibigay nila sakin. Tapos lagi pa nilang kasama si Ianrie na tahimik lang sa isang gilid habang nakatingin naman kay Brozon.

Oo, hindi ko alam kung anong nangyari pero the next day pagkatapos ng away na nangyari, hindi na sumama samin si Ianrie. Zoe kept on tugging her wherever she goes. Hanggang sa iniwan niya kaming mga kaibigan niya at mas sumama na siya kila Zoe.

"Bibili lang ako," 

Parang sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasama naman namin sila Keith pero tumayo lang ako para bumili ay tumayo din silang dalawa.

"Parang mga aso lang, ah," sabi ni Julia habang nakasalpak ang straw sa bibig at pinipigilan ang tawa.

"What are you going to buy?"

"Ako na,"

Sabay pa silang dalawa nagsalita. 

Tinignan ko si Keith para humingi ng tulong pero nagkibit balikat siya. Napasimangot tuloy ako. Bibili lang ako! Tanaw na tanaw nila ako kung may lumapit man sakin na alagad ni Zoe. 

"Kung ako 'yan, pinabayaan kong sila ang bumili, Bri. Sila na din gumastos. Dapat sinusulit mo lalo na yung dalawang 'yan!" sabi ni Enzo. "Dagdagan niyo order ni Brina ng pizza, ha! Loko sasapakin ko kayo kapag wala yung pizza ko," prente pa siyang sumandal sa inuupuan niya at nung nakita niyang 'di pa din gumagalaw sila Brozon at nakatingin sakin ay umayos siya ng upo. "Anak ng? Gutom na ko!"

Sinungalngal ni Julia kay Enzo ang tissue kaya niluwa naman agad iyon ni Enzo at tinignan si Julia.

"Ikaw ba nililigawan? Ikaw? Ikaw? Kapal ng mukha neto,"

"Sige ikaw na lang. Bilhan mo ko?" nagpuppy eyes pa si Enzo kaya napailing ako.

"Ako na bibili. Hintayin niyo na lang ako dito." sabi ko at nung aangal pa sana tinignan ko na sila ng masama kaya napabuntong hininga na lang silang dalawa.

Pumunta ako sa pila habang pinaglalaruan ang wallet ko. Naramdaman kong may tumayo sa likuran ko kaya napalingon ako doon at natigilan.

"Rie," tawag ko sakaniya at pinadaanan niya lang ako ng tingin. "Gusto mong mauna?" kahit nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko siya ay iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Tinignan niya ako at nginitian, "Sure." 

Hindi pa ako nakakaatras ay lumipat na siya sa pwesto ko kaya napahakbang ako paatras.

Ngayon nakatalikod na siya sakin. Hahawakan ko sana ang kamay niya para kausapin siya pero tinignan niya ako at saktong bumagsak ang tingin niya sa kamay ko na inaabot ang kamay niya.

"What are you doing?" her eyebrows shot up. 

"G-Galit ka ba?"

Umirap siya at tinalikuran ako ulit. 

Stupid question, Brina. Hindi pa ba halata? 

Hinawakan ko siya sa balikat pero ginalaw niya ang balikat niya kaya natanggal ang pagkakahawak ko sakaniya. 

I heard her frustrating groan bago ako tignan ulit.

"Ano ba? Nakakairita na 'yang kakulitan mo, alam mo 'yun? Hindi ka naman siguro manhid para hindi maramdaman na ayokong kausapin ka diba?" punong puno ng iritasyon ang mukha niya kaya naitikom ko na lang ang bibig ko.

My Other HalfWhere stories live. Discover now