Chapter 49

4.3K 138 61
                                    

Ilang katok ang narinig ko mula sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko manlang magawang tumayo mula sa pagkakahiga. Hindi ko din alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Basta ang alam ko kanina pa.

Isang malakas na katok bago nawala iyon. At natahimik na ng ilang saglit pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at narinig ko na lamang ang pagsara.

"Alam mong gising na ako pero hindi mo manlang ako sinundo,"

Napatingin ako sa likuran ko at napaayos ng upo nung makita ko doon si Kuya na nakatayo.

"Hindi na pala ako magtatampo. Ano ba naman 'to. Buhay pa ako. Ba't magang maga mata mo kala mo ba mamamatay na ko?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

Napabuntong hininga siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

Nung umiyak si Ianrie sa harap ko kanina hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang yakapin o ano. Natatakot akong baka kapag hinawakan ko siya magalit lang siya sakin.

"Alam ko lahat. Sorry kung hindi ko sinabi sayo. Nagtitiwala ako kay Brozon dahil sa mga binitawan niyang salita. Bri, gustong gusto ka niya. Na tipong kahit pinapahirapan ko na siya pumapayag lang siya at never akong nakarinig ng reklamo na pagod na siya. Inaasar na nga namin minsan pero alam mo sagot? Kung hindi lang 'to para kay Brina, matagal na kong sumuko." bumuntong hininga si Kuya at pinat ang likod ko. "Mali yung ginawa niya na nangdamay siya ng tao pero kahit gusto ka niya natatakot din kasi siya, Bri. Hindi niya alam kung anong gagawin niya."

"Pero Kuya gusto siya ni Ianrie,"

Nilayo ako ni Kuya sakaniya at tinignan ako.

"Pero hindi niya gusto si Ianrie. Ikaw ang gusto niya."

"Si-"

"Hindi din gusto ni Kyle si Zoe. Umamin siya sakin na ikaw gusto niya. Bago kami maaksidente sinabi niya sakin."

Hindi ko nanaman alam ang sasabihin ko.

Alam ko. Umamin na nga sakin, diba? Pero hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tignan na may nasasaktan akong kaibigan.

Bakit ang unfair?

Si Keith gusto si Ianrie. Si Ianrie kay Brozon. Si Zoe kay Kyle.

Pero bakit hindi pwedeng wala na lang masasaktan?

Kung nasasaktan si Ianrie dahil may ibang gusto si Brozon... ibig sabihin ganun din yung nararamdaman ni Keith dahil ilang taon niya na ding gusto si Ianrie.

"May itatanong ako sayo, Brina," sabi ni Kuya at pilit akong pinatingin sakaniya. Tinignan ko siya at nakita ko ang pagaalala sa mata niya. "Sagutin mo ng totoo, ha?" tumango ako. "Gusto mo ba si Brozon?"

Hindi ko alam... kung bakit tumulo na lang bigla ang mga luha ko.

Dahil ba sa nasasaktan ako para kay Ianrie?

O dahil alam kong totoo yung sinabi ni Kuya?

**

"Sigurado ka okay lang sayo na pumasok?" nagaalalang tanong sakin ni Kuya pagkababa ko galing sa kwarto.

Tumango lang ako at ngumiti sakaniya bago umupo at kumain.

Wala si Mommy at Daddy. Maaga atang umalis dahil may meeting kaya kami lang ni Kuya ang nandito. Tahimik lang kaming kumakain kahit ramdam ko ang pagtingin sakin ni Kuya hindi ko na lang pinapansin.

Bumuntong hininga siya ng malakas pero hindi ko pa din pinansin.

"Ay, sorry." sabi niya nung sinadya niyang ilaglag ang tinidor.

My Other HalfWhere stories live. Discover now