Chapter 3

7.3K 196 49
                                    

"Brina, I'm sorry..." bumuntong hininga siya at nilagay niya ang palad niya sa noo niya. "I don't know what got into me and I said those words to you. Hindi ko dapat iyon sinabi dahil concern ka lang naman sakin pero ewan ko... Sorry, please..." hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Okay lang? Hindi. Magsisinungaling ako kung ganun. At ayokong magpaka-plastik sakaniya. Oo, nasaktan ako sa sinabi niya pero dala lang naman siguro 'yun ng kalasingan niya. Walang kahahantungan 'to kung magd-drama pa ako at papalakahin itong away namin.

"Nasaktan lang ako sa sinabi mo. But it's okay, you're drunk, that's why," sabi ko at nagkibit balikat.

Umiling siya. Para bang hindi niya matanggap na sinabi kong okay lang.

"No. I'm a jerk to you. Ikaw na nga lang ang sumusuporta saakin at tumutulong but I said those words to you. I'm really sorry, Brina. It's--" I cut him off.

"Stop explaining. I understand." ngumiti pa ako sakaniya.

Bumuntong hininga siya. "Are you sure?"

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. That's enough for him to understand that it's really okay.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sorry talaga. I swear that's the first and last time." bulong niya sakin.

Tumango lang ako. Sa ilang taon naming magkakaibigan ay ngayon niya lang ako napagsabihan ng ganun. I understand it. Bukod sa lasing ay syempre, broken hearted siya.

"The juice?"

Napabitaw agad siya sa yakap ng mapagtanto kung sino ang nagsalita.

It was Ianrie.

"Ito..." kinuha ko ang pitsel na nakapatong sa gilid.

"Ako na? Maguusap pa ata kayo," ngumiti siya saamin.

That's one of her attitude. Pala ngiti siya at masyadong matamis ang ngiti niya kaya siguro nabihag niya si Keith.

Umiling agad ako. "Hindi... ako na." sabi ko sakaniya. "Tara na, Keith."

"Ako na magdadala niyan," kinuha ni Keith ang pitsel at hinayaan ko na lang siya.

Sabay kaming tatlo na naglakad patungo sa sala maingay sila at nang makita kaming tatlo ay nanahimik sila. Nilapag ni Keith ang pitsel kaya bumalik sila sa ingay.

Umupo agad ako sa tabi ni Kuya. Bumalik sa kung ano ang topic nila habang ako ay kumakain na ng meryenda.

Lumipas ang araw at nagsimula na ang klase. Magkakaklase kami habang sila Kuya ay ganun din.

"Bye Mom, Dad!" kaway ko paglabas namin ng sasakyan.

"Enjoy your first day, baby!" sabi ni Mommy bago umalis.

Lalong dumami ang mga estudyante. Saglitan na 'Hi' at 'Hello' sa mga kilala namin na nakakasalubong at kaway sa mga hindi ka kaclose hanggang sa makarating na ako sa classroom ko.

"Text me when something's wrong, okay?" sabi ni Kuya.

Tumango ako. "Bye!"

Agad akong tumungo sa gitna. Doon ang hilera namin tutal ay lima kami. Pero dagdag siguro ng isa dahil nandoon si Via, girlfriend ni Brozon.

Janeah - Ianrie - Enzo - Julia - Keith - Ako - Brozon - Via

'Yan ang pwesto namin. Agad kong tinignan ang desk ni Ianrie na may bulaklak. I giggled and pinched Keith's arm. Umangal siya sa sakit pero tumawa din.

"What? I said I won't stop," sabi niya at ngumisi.

"I didn't say anything. Tiwala lang. Mamahalin ka din niyan." bulong ko sakaniya at kinindatan siya. "Hi, Via!" baling ko kay Via.

My Other HalfWhere stories live. Discover now