Chapter 28

5.2K 127 35
                                    

Did I mentioned what revenge I'll do if I didn't sleep properly last night?

Unfortunately, hindi ako gaanong nakatulog dahil sa binigay sakin ng kung sinomang lalaki na 'yun.

Weeks had passed at patuloy pa din sa pagbibigay ng chocolate or stem ng rose ang lalaki na 'yun whenever I do something great. Hindi siya araw araw nagbibigay. Let's say everytime na may ginagawa akong may pumupuri sakin doon lang siya nagbibigay.

"Hello!" sigaw ni Keith sa tenga ko kaya napatalon ako sa upuan ko. Parang natanggal yung diwa ko sakin sa sobrang gulat na naramdaman ko.

"Ano ba!" hinampas ko siya ng libro at umilag naman siya.

"Kanina ka pa nakatulala diyan. Ano ba iniisip mo?" tanong niya at pumangalumbaba siya sa gilid ko.

"Kung pano ka papatapon,"

"Sus! Baka naman umiyak ka kapag nawala ako?" tanong niya at nung hindi ako sumagot tinusok tusok niya ang tagiliran ko. "See? Hindi mo kaya."

Hinampas ko ang kamay niya at tumingin ulit sa kawalan. Recess time at nagpaiwan ako. Wala akong gana dahil halos araw araw kong iniisip kung sino yung bigay ng bigay sakin ng letter. Akala ko sumama 'tong ugok na 'to sakanila pero bumalik din pala siya dito.

"Ayan nanaman. Kasama mo ako uy,"

Bumuntong hininga ako at pinagisipan kung sasabihin ko ba sakaniya. Ever since I started receiving those, I didn't mentioned anything to Keith. Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi kasi ako kumportableng magkwento ng ganun sakaniya.

Yes, I know. Bestfriend ko siya. Pero naiilang ako. This is my first time. First time kong makatanggap ng mga ganoong bagay.

"I..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil titig na titig siya sakin. "Pwedeng layo ng onti? Nakakailang e," sabi ko at kamot ulo naman siyang lumayo.

"Oh, ano na? Gusto ko ng malaman oh!"

"Pag ba nalaman mo papayuhan mo ako o nakikichismis ka lang talaga?"

"The latter," sagot niya kaya hinampas ko nanaman siya. "Aray! Nakakailang hampas kana ah! Syempre tutulungan kita! Naniwala naman 'to." he burst then hinimas niya kung saan ko siya hinampas ng ilang beses.

Nagsimula na akong magkwento. Mula nung natanggap ko ang letter nung natamaan ako ng bola at netong huli dahil nanalo ako ng 1st place sa Essay Writing Contest namin.

After I finished telling the story, tinitigan ako ni Keith at biglang pinitik niya ang tenga ko kaya napahawak ako doon.

"Aray! Para saan 'yun?" singhal ko sakaniya at hinawakan ang tenga ko.

"This is happening to you for months already and yet ngayon mo lang sinabi?" bulyaw niya at umiling iling pa.

Napayuko ako ng bahagya dahil sa hiya. Kahit nasabi ko na, nahihiya pa din ako.

"You don't have any clue? Do you have any letters na galing sakaniya?"

Kinuha ko agad ang isang letter na tinago ko dahil last week lang nangyari ang EWC kaya nakatago pa ang letter sa bag ko.

Binasa niya ang nakasulat. Ilang saglit pa ay humagalpak siya sa tawa habang binabasa ang letter.

"So cheesy!"

Lalo tuloy akong nahihiya dahil sa sinabi niya!

"Stop laughing and say your thoughts," hindi pa din ako nakatingin sakaniya at pinaglalaruan ko lang ang daliri ko.

Inangat niya bigla ang mukha ko and made me look at him. Nakita kong natatawa pa din siya pero napigilan niya iyon at pinalitan ng expression.

"I guess this 'someone' is just around. Wala ka bang nararamdamang sumusunod sayo?"

My Other HalfWhere stories live. Discover now