Chapter 36

4.7K 143 29
                                    

Ang hirap pala maging masaya ng sobra sobra. Kasi laging may kapalit. Nakakatakot nang maging masaya dahil hindi na maaalis sa isipan mo na baka may mangyaring hindi maganda nanaman.

Hinawakan ko ang kamay ni Lolo at pinatong ko ang noo ko doon.

"Miss na miss na kita. Hindi na ako makapaghintay na makasama ka."

"Happy new year, mahal ko. Magkikita din tayo balang araw."

Kaya ba ganun yung mga sinabi ni Lolo nung huling pumunta kami sa puntod ni Lola?

Yung pamumutla niya. Yung pagod niya. Yung laging gusto niyang matulog hindi gaya ng dati na gusto niyang mag golf. Lahat ng 'yun...

Bakit hindi ko napansin, Lo? Bakit kailangan lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan?

Nakakatakot ng maging masaya. Ang daya ng mundo. Bakit yung ibang tao kahit sobrang saya hindi naman nagiging ganto kalungkot? Hindi naman ganto kasakit yung nararamdaman nila? Bakit sila tuloy lang yung kasiyahan?

Ang unfair kasi, e.

"Kylie, Vanessa, I'm sorry. But his cancer cells went active again. Stage 3..."

I felt like my whole world crumbled. My grandpa is too old to feel that kind of pain! He's too weak!

"Kailan siya pwedeng operahan, Doc? Can we book it immediately? Mamaya, ngayon, kahit kailan! Matanggal lang natin 'yang lintek na cancer na 'yan!" si Tita Vanessa.

Yumuko ang Doktor. Hinawakan ni Kuya ng mahigpit ang balikat ko pero ramdam na ramdam ko ang tambol sa dibdib ko.

"I'm sorry. But your Father is too weak to have an operation. Hindi na kakayanin ng katawan niya lalo na nagkaron na siya ng opera dati. For now, ang tanging magagawa lang natin ay ang lubusin ang oras na kasama siya."

"What kind of Doctor are you!? Hindi mo pa nga nasusubukan sinasabi mo na agad 'yan!? Operahan mo muna ang tatay ko at tignan ang resulta!"

"Ate, stop it..." saway ni Mommy.

"Stop? Kylie, stop!? Do you hear yourself? May cancer yung tatay natin! Kylie, cancer 'yun! Kung hindi natin aagapan, mawawala siya satin!"

"Alam ko! We've been through that before! Pero dati 'yun, Ate! Dad was still strong at that time! He can still fight! Pero ngayon? Matanda na siya, Ate. Tama ang Doctor. He's weak. Hindi na kakayanin..."

"How many years?" tanong ni Daddy sa Doctor.

"Months, Mister. He only have three months left,"

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Basa na pala ang kamay ni Lolo dahil sa iyak ko. Inangat ko ang tingin ko at tinignan si Lolo na mahimbing na natutulog.

Pero hindi ko kaya. Kapag lalo ko siyang tinititigan lalo akong nasasaktan. E bakit ngayon parang wala naman siyang sakit? Ang ayos ayos ng itsura niya. Hindi kapani-paniwalang may cancer siya.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko pero hindi pa din naaalis ang tingin ko kay Lolo.

"Bri, you need to go home. Hindi ka pa nagpapalit ng damit. Hindi ka pa din kumakain. May pasok pa tayo bukas," sabi ni Julia.

After ilang seconds na nakatingin kay Lolo ay tinignan ko siya. Nakapagpalit na siya ng damit. Napilit ni Tito Jules si Tita Vanessa na umuwi muna. Nagpalit lang si Julia at kumain na din siguro bago bumalik dito.

"I'm fine,"

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang isa kong kamay. She looked at me with compassion in her eyes.

My Other HalfWhere stories live. Discover now