Chapter 30

5.1K 151 39
                                    

Pagkarating namin kila Via ay naabutan namin ang Mommy niya. Nagmano kami ni Brozon at sinabi niya agad saamin na nasa kwarto si Via at nagpapahinga.

Umakyat kami pinauna ko si Brozon. Hindi ko naman alam kung nasaan ang kwarto ni Via dahil ngayon lang ako nakapunta dito. Pero siya, sigurado akong ilang beses ng nakapunta dito.

"Dito," sabi niya at naglakad patungo sa isang kwarto na may letter V sa pinto.

Kumatok siya. Hinintay naming magbukas pero wala. Dinikit niya ang tenga niya sa pinto at pinakinggan ang nasa loob.

"Baka tulog. 'Wag na kaya natin istorbohin? Pasabi na lang natin na pumunta tayo dito,"

Tinignan niya ako at biglang pinihit ang doorknob. Pumasok siya kaya sumunod din ako. Nakita kong napalingon samin si Via pero agad ding napatalikod at may pinahid sa mukha niya.

"Nakaistorbo ba kami?" nagaalangan kong tanong.

Ilang saglit siyang hindi umimik dahil may pinupunasan pa siya sa mukha niya. Lumingon siya at nginitian kami.

"Hindi naman," may tinabi siya sa side table niya pero hindi ko iyon nakita kung ano. "Baka mahawaan ko kayo."

"Okay lang. Gusto ka din naming dalawin."

Tinignan niya si Brozon kaya napatingin din ako sakaniya. Nakatayo lang siya at tinitignan kami ng maigi.

"Hindi ka umattend ng training niyo?" tanong ni Via.

Umiling si Brozon at naglakad papalapit sakaniya. Hinawakan niya ang noo nito at tinignan ng mariin si Via.

"Your fever's still high. Did you already drink your meds?"

Tumango si Via.

"Do you want soup?" tanong ni Brozon.

Lalong lumawak ang ngiti ni Via.

"Bakit? Pagluluto mo ako?"

Okay. So, isipin na lang po natin na wala ako dito sa harap nila. Kunwari silang dalawa lang diba po?

"Yes."

Lumabas si Brozon at bumaba. Nakagat ko ang labi ko at bahagyang nahampas si Via.

"What's that for?" nakangiting tanong niya.

"Kahit na mukha akong third wheel. Kinikilig ako sainyo!" sabi ko.

Tumawa si Via at niyakap ang unan niya. Halatang masaya siya at namumula pa ang pisngi niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa lagnat niya o dahil sa kilig.

"You know, Brozon is a good guy..." and she started telling how sweet and caring Brozon is.

Siguro kung wala lang siyang sakit nahampas hampas ko na siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko at niyakap din ang unan niya.

"Pero minsan, sumasagi sa isip ko na bata pa kami. We don't know if this is just pure infatuation or real love. Basta ang alam ko masaya ako sakaniya. He makes me smile. Whenever I'm on a bad mood, just to hear his voice or see his smile makes me back to normal. He has that effect on me," hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang sinasambit iyon. "Pero kung hindi man kami para sa isa't isa, tatanggapin ko. Besides, I told you we're still young. I just hope na kung kanino mang babae siya mapupunta, mamahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ko kay Brozon."

"Bakit mo naman nasabing hindi kayo para sa isa't isa? Magtiwala lang kayo and I know kayo ang magkakatuluyan,"

Ngumiti lang siya pero magkalapat ang labi niya. Bumukas ang pinto kaya parehas kaming napatingin doon at nakita namin si Brozon na pumasok.

My Other HalfWhere stories live. Discover now