Chapter 43

3.9K 129 91
                                    

Unknown:

Princess, that may be important for me but I won't let you see me. Good thing I was quick enough to shove your hand and put my hoodie on. I'm sorry if I hurt you it just feels like it's not the right time for you to know me. Time will come, princess. I promise you that. You have my word. And yeah, you have my necklace. Once we see each other you're gonna give it back to me.

Napailing na lang ako at nilagay ang cellphone ko sa bulsa.

Sa bilis ng tinakbo ko uhaw na uhaw na ako kaya naglakad na ako pabalik sa cafeteria habang sinusuot ang kwintas ni Unknown.

Kinuha ko agad ang baso ng tubig na nakita ko sa table at ininom iyon bago umupo sa tabi ni Julia. They looked at me with pure curiosity but I didn't mind them.

"Tinakbo mo ba mula restroom hanggang dito?" tanong ni Via.

"Why?" nagtatakang tanong ko.

"Because girl you looked like you just joined a marathon," naiiling na sabi ni Zoe at umirap.

Napahawak ako bigla sa noo ko at nahawakan ang pawis. Inabot agad sakin ni Julia ang panyo niya kaya kinuha ko ito at pinunas sa noo ko.

Hindi ko na pinansin ang tingin nila sakin at kumain na lang ako. Makalipas ang ilang segundo bumalik na din sila sa kanya kanya nilang ginagawa pero naramdaman kong may nakatingin sakin kaya inangat ko ang tingin ko.

Nakita kong nakatingin sakin si Keith at bumaba bigla ang tingin niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakitang sa kwintas iyon.

"What?" tanong ko sakaniya.

"How did you...?"

"Let's talk about this later." bulong ko at tinuro ang pagkain niya.

Pagtapos naming kumain bumalik na din kami sa classroom para makilala ang last subject teacher namin. Pagtapos siguro pwede na kami umuwi nun.

Pero hindi pa ako nakakapasok ay hinatak na ako ni Keith.

"Napakachismoso talaga eh no? Hindi makapaghintay?" singhal ko sakaniya.

"Pero paano? I mean, kung nakuha mo 'yang kwintas niya bakit hindi mo nagawang tignan siya? Hindi mo nakita mukha niya? That's impossible!"

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang cross.

"Hindi ko nakita itsura niya kasi nakatingin siya sa likod niya. Kumbaga umiiwas talaga siya ng tingin sakin. Tsaka nahawi niya agad kamay ko at ayun nakatakbo. Napigtas ko lang 'tong kwintas niya." nung tapos na akong magexplain tinignan ko siya pero halatang nab-bother pa din siya. "Wait, bakit parang problemadong problemado ka? You said before you know this guy. Is this so important to the point you're acting like that?"

"No, no, no." umiling siya. "It's just that... bullshit." bigla niyang sabi at hinatak na ako papasok sa classroom.

Umupo na ako sa tabi ni Julia at umupo naman siya sa tabi ni Enzo. Nasa harapan nila sila Ianrie. Imbes na maweirduhan ulit sa kinikilos niya parang sumakit nanaman ang puso ko dahil nakita kong pinatong niya ang baba niya sa balikat ni Ianrie. Nagiwas na lang ako ng tingin.

Ilang beses kong hinawak hawakan ang cross pendat ng kwintas dahil gandang ganda ako dito. Nung napansin ako ni Julia na hawak ng hawak doon ay napatingin na siya.

"Woah, where's that from?" tanong niya na sasagutin ko na sana na kay Unknown ito pero hindi ko nga pala nak-kwento sakaniya 'yun. Si Keith lang ang nakakaalam. "That kinda look familiar." 

Magtatanong pa sana ako kung kanino niya 'to nakita pero dumating na ang last teacher namin kaya umayos na kami ng upo.

And as expected, pagtapos nga ng last nna teacher na 'yun ay uwian na. Which means, kapag nag lunes na ay regular class na.

My Other Halfحيث تعيش القصص. اكتشف الآن