Chapter 57

3.8K 138 33
                                    

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Naiinis na ako sa sarili ko. Kung kailan palapit na ang intrams, doon ako nagkakalat sa practice namin ng squad. Pakiramdam ko nga naiinis na sakin si Miss Hertin kahit hindi niya sinasabi.

"Stop," senyas ni Miss Hertin kaya tumigil ang tugtog at narinig ko ang angalan ng mga kasama ko.

Ramdam ko din ang sama ng tingin nila. Hindi ko naman sila masisisi dahil dapat lang naman talaga sakin iyon. Ilang araw na kaming nagp-practice pero panay pa din ang pagkakamali ko.

"Ano ba 'yan, Brina!? Kung gusto mong mapagod ng husto, 'wag mo kaming idamay! Ang dali dali lang ng steps!" singhal sakin ni Zoe.

Hindi ako kumibo. Hinayaan kong banggain niya ako sa balikat nung umupo sila sa gilid at pinagusapan ako.

"Brina," tawag sakin ni Miss Hertin kaya napatingin ako sakaniya. "Can we talk?"

Tumango ako. Sumunod ako sakaniya sa bandang dulong parte ng gymnasium. Pinaupo niya ako at tumayo siya sa harapan ko. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin pero hindi ko naman kasi siya masisisi, eh.

"Hija, do you want to take a break first?"

"Po?" nagtataka kong tanong sakaniya.

"I mean, pwedeng hindi ka muna umattend ng practice. But intrams are two weeks away. I can only give you a three days break. Then sa Friday, babalik ka na. I know something's up so I suggest you do this."

"Sorry, Miss. Kaya ko naman po. Pero kung gusto niyo pong palitan na ako sa pagiging Captain pwede–"

Umismid siya, "Who told you? You're the perfect catch for that role, Brina. Ako na ang nagsasabi na take a break muna. It's okay, I swear. I just hope three days will be enough because that's the only option I can give you."

"Thank you, Miss." nangingiti kong sambit.

Tumayo ako at niyakap siya.

"Whatever it is, you can talk to me about it, Brina. I just hope you'll be fine someday."

Paano? Kasi sa bawat araw na lumilipas, lalong bumibigat. Pero wala naman akong magagawa. Acceptance is the key. Kung hindi ko tatanggapin, hindi ako makakalaya sa kulungan na iniwan sakin ni Brozon.

"Thank you, Miss Hertin,"

"You can go. Basta babalik ka sa Friday, okay?"

Tumango ako at naglakad palapit sa mga gamit namin. Nakasunod pa sakin ng tingin sila Ianrie pero dumiretso na lang ako palabas.

"Pst," 

Napahigpit ang pagkapit ko sa strap ng gym bag ko nang marinig ko ang sitsit na iyon. Kumabog pa ang dibdib ko sa gulat lalo na nung may humawak sa palapulsuhan ko.

I heard him chuckle, "Stop drinking coffee,"

"I'm not drinking that,"

"Really? So, anyway, why are you out this early?" kinuha niya pa ang gym bag ko kaya pinabayaan ko na lang siya.

"Binigyan ako ni Miss ng break. Friday niya ko pinapabalik." 

"Why?"

Tinignan ko lang siya. At sa pagsalubong ng mga mata namin, alam ko na agad ang nasa isip niya. Hindi siya kumalas sa titigan namin kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makalabas kami ng EU walang nagsasalita saamin.

"How can I save you if you keep on drowning yourself?"

Parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ko siya nilingon. Kasi alam kong kapag nilingon ko siya, madadagdagan lalo yung sakit.

My Other HalfWhere stories live. Discover now