Chapter 54

4.1K 134 49
                                    

Umuwi ako ng araw na iyon na may ngiti sa labi. Para akong nakahiga sa ulap sa sobrang saya. Hanggang sa mahatid niya ako sa bahay ay hindi nawawala ang saya na nararamdaman ko.

"Did you enjoy?" he asked when he stopped in front of our house.

"Oo," diretso kong sagot.

Ngumiti siya at lumabas para umikot at pagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas ako ay nakangiti siya. Nagkasalubong ang tingin namin at napaiwas siya ng tingin pero may ngiti pa din sa labi.

"Kinikilig ako," he said suddenly that made me burst into laughter.

Humawak pa siya sa batok niya at nakaiwas pa rin ng tingin. Ang cute! Nilabas ko ang phone ko at mabilisan siyang kinuhanan ng picture. Nang marinig niya ang tunog ay tinignan niya ako at ngumuso, and I clicked once more.

"That's many,"

"It's only two," depensa ko.

"Pasok na tayo sa loob? Magpapaalam lang din muna ako kila Tita,"

Ngumuso ako. Gusto ko sanang umangal na dito muna kami sa labas pero wala akong nagawa nang hawakan niya ang siko ko at pumasok na kami sa loob.

Sakto at nakita namin si Daddy na pababa at si Mommy nasa dulo ng hagdan.

"Tita, Tito," tawag niya at lumapit para magmano.

"How's your date, kiddos?" ngiting ngiti pa si Mommy bago ako balingan. "You'll tell me what happened!"

Napatango ako bago umiling. 

"Are you both hungry?" tanong ni Mommy.

"Inaaya mo mag-date anak ko pero hindi mo manlang-"

"Shut up, Garcia! Gusto mo bang palayasin kita? Tinatanong ko pa lang, diba?" masungit na sambit ni Mommy.

Tumingin ako kay Brozon at nakita kong nagpipigil din siya ng ngiti niya. Parang baliw 'tong sila Mommy. Kala mo mga bata pa para mag-away ng ganyan.

"Kumain na po kami, Tita. Hinatid ko lang po siya dito sa loob,"

Ngumiti si Mommy, "Thank you, Brozon. I hope you enjoyed the day with my daughter. Thank goodness Bryle's upstairs kundi dalawa sila ng Daddy niya na sakit sa ulo ko ngayon. Anyway, are you going home already?"

"Mom, mag-aanong oras na po. Mabuting umuwi na siya agad baka mapagalitan siya nila Tito,"

"Oh don't worry about that! They went here awhile ago and we already talked about your wedding years from now!"

"Mom!?" namimilog ang mga mata nang sambitin ko iyon.

"What? That's true," patay malisya pang sabi ni Mommy.

"Kylie Garcia. What am I gonna do with you?" naiiling na sabi ni Daddy.

"Uuwi na din po ako, Tita. Para po mapagusapan namin nila Dad kung saang simbahan gaganapin." sabi ni Brozon kaya sabay kaming napatingin ni Daddy sakaniya.

"Ay botong boto na talaga ako sayo, Brozon!"

Kung hindi pa siguro sila inawat ni Daddy baka napagplanuhan na din nila pati kung saan ako manganganak.

Wait, what?! Anong pinagsasabi mo, Brina Kaye?

"I'm going home,"

Tumango ako, "Ingat ka."

"Thank you for making me happy," sabi niya kaya napangiti na lang ako.

Thank you for making me happy, too, Brozon.

Pumasok na din ako sa loob at bago pa ako mapaupo ni Mommy kumaripas na ako ng takbo paakyat ng kwarto at nilock iyon.

"Brina Kaye!!" rinig ko pang sigaw ni Mommy pero bumelat lang ako kahit hindi niya naman makikita.

My Other HalfWhere stories live. Discover now