Chapter 56

4.5K 148 63
                                    

Ilang buwan na ba ang lumipas?

Isa? Dalawa? Hindi ko alam. Hindi ko naman kasi binibilang. At wala akong balak bilangin dahil kada naiisip ko, para akong sinasaksak ng ilang beses. Parang pinapatay yung puso ko sa sobrang sakit.

Akala ko kapag gusto ka, automatic hindi ka iiwan.

Akala ko mananatili sa tabi mo kahit anong mangyari.

Pero siguro mapaglaro talaga ang tadhana. Kung sino yung gustong sumaya, kung sino yung ngayon pa lang nakaranas ng ganun, sila pa yung sinasaktan.

Kinagat ko ang labi ko. Ito nanaman. Sobrang sakit nanaman. Kailan ba 'to matatapos? Ano bang ginawa ko para maranasan ko yung ganito? Dahil ba 'to sa mas pinili ko yung sarili kong kasiyahan?

Kung alam ko lang, edi sana talaga hindi ko na tinuloy.

"I love you. I love you so much. I love you." paulit ulit niyang bulong habang nananatili ang labi niya sa noo ko.

Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Tinignan niya ako at hindi ko mabasa kung ano ang nasa mata niya. Bumalik sa dati. Yung tipong hirap kang basahin kung ano man yung nararamdaman niya.

"You're worth it," sabi niya.

Ang dami kong gustong sabihin. Kung pwede nga lang na sagutin ko din siya agad ngayon ginawa ko na. Pero gusto ko dahan dahanin muna lahat. Ayokong magpadalos-dalos.

Lumingon siya sa kaliwa niya kaya napatingin din ako doon. Nakita ko ang camera na nakaset samin. Tumayo siya at kinuha iyon at tumabi ulit sakin. Binrowse niya ang mga picture at nakita ko ang saktong kuha na nakahalik siya sa noo ko.

Ang ganda. Tanging silhouette lang ang kita sa picture at sunset na ang background. Manghang mangha ako habang tinitignan iyon sa sobrang ganda. Ang kulay kahel na langit. Ang paglubog ng araw. At ang kuha naming dalawa. Napakaperpekto.

"I got it," nakangiti niyang sabi na parang nagtagumpay siya. "I clicked this and prayed the camera got it. I know it would turn out perfect."

Gusto kong ipadevelop agad ang picture dahil sa ganda. Nung nilipat niya ang picture napatingin ako sakaniya.

It was me, again. Nakaupo ako 'di kalayuan sakaniya habang pinaglalaruan ang mga buhangin. Meron pa doon kanina nung tinawag niya ako at pinatawa. Sobrang dami ng pictures ko at lahat ng iyon magaganda.

"But this one is way perfect than our picture," bulong niya habang nakatingin sa mata ko ng mariin.

"Thank you," tanging nasabi ko.

He smiled too. Sinulit namin ang araw na iyon. Hindi ko nga alam anong sumapi kay Brozon at halos lahat tinry namin. Kaya pagkauwi, pagod na pagod kami. Gustuhin ko mang matulog na pero kakain pa kami ni Brozon ng hapunan kaya naligo na lang ako at nagbihis habang hinihintay siya.

Kahit sa hapunan, puro kami pictures. He even bought bouquet of flowers. Naka-candle light dinner pa kami. Feeling ko tuloy ilang taon na kami dahil sa ginagawa naming dalawa.

"Let's dance," aya niya at hindi na ako nakasagot dahil hinawakan niya na ang kamay ko.

"Brozon! Nakakahiya!" angal ko habang naglalakad kami sa gitna.

Hindi ko naman alam na sa ganitong restaurant kami kakain! Napakafancy! Napaka-high end! Tapos anong suot ko? Short and shirt lang. Halos lahat ng kasama namin mga nakadress. Ako lang ata ang ganito ang suot.

"What? It's okay. They'll dont mind us. We just need to enjoy like them," nakatawa niyang sabi.

"Brozon!" pabulong kong sigaw sakaniya.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon