Chapter 27

5.1K 150 70
                                    

Matagal tagal din akong nagpapahinga. Hindi ko nga alam kung nasa dancefloor pa ba sila Kuya o wala na pero sigurado akong nandito lang 'yun sa Hall.

Nalipat ang tingin ko kay Brozon na tahimik sa gilid ko. Hawak hawak niya lang ang baso niya at nakatingin siya doon.

Tumayo ako at lumapit sakaniya. Para kaming timang dalawa na hindi naguusap at parang hindi magkakilala.

Umayos ako ng upo sa tabi niya pero hindi manlang siya natinag.

"Hindi ka nab-bored?" tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako at halatang nagaabang siya sa susunod kong sasabihin.

"Kanina ka pa nakaupo dito. Kami nagsayaw ikaw nandiyan lang. Bakit? Dahil ba wala si Via?"

Umiling lang siya at tinignan na ulit ang baso niya.

Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sakaniya kaya napatingin siya sakin.

"Enjoy the night, bro. Let's dance." sabi ko sakaniya.

He just looked at me then shaked his head. A little smile showed on his lips. Tinulak niya pababa ang magkabila kong balikat dahilan para mapaupo ako. Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya iyon.

"I'm the one who should offer my hand. Dance with me, princess?" the 'princess' bothered me but I laughed then accepted his hand.

Tumungo kami sa dancefloor at nakita kong sinasayaw na ni Keith si Ianrie. Oh, look at that guy. Halatang inlove na inlove sa titig pa lang.

Me and Brozon swayed. Tinignan ko siya at napagtanto ko talagang kamukhang kamukha niya si Tito Bryan. Sigurado ako na noong High School sila Tito ay ganito ang itsura niya.

"What? What are you thinking?"

"You really look like your Dad," sabi ko.

"I think you're the 100th person who said that." we both laughed because of what he said.

Feeling ko tuloy walang awkwardness saming dalawa ngayon. Parang kumportable kami sa isa't isa. Matagal na kaming magkasama pero hindi kami gaanong close. We talk but not that much. Ngayon ko lang naramdaman yung hindi pagkakailang sakaniya.

"Do you know that my Dad liked your Mom before?" tanong niya sakin.

Tumango ako, "Yup. Pero hindi ko alam ang storya. Hindi din naman kinekwento nila Daddy. Narinig ko lang na inaasar nila Tito Ian si Daddy mo dati,"

"Dad liked your Mom when they were on their Junior year. Just like us. Dad didn't told your Mom his feelings instead he just stayed on your Mom's side when your Dad hurts her. Pero hindi naman kasi lahat ng nagmamahal, handang masaktan ng todo habang nakikita mo yung mahal mo na nasasaktan at nagmamahal ng iba. That's why my Mom caught him. My Mom eased the pain on Dad. Kasi ganun din nararamdaman niya. Nasasaktan siya whenever he sees Dad being hurt by your Mom. Kaya sinalo niya si Daddy." kwento niya.

I looked at him with amazement.

"Wow. I think I'm gonna remember this day. Ayun na yung pinakahabang sinabi mo sakin!" sabi ko at hinampas pa siya.

"What?" tanong niya na para akong isang baliw.

"Sa tagal nating magkaibigan, ayun na yung pinakamahabang sinabi mo sakin! Ilang sentence 'yun? Five? Six?"

He laughed. Pinisil niya bigla ang pisngi ko kaya nahampas ko ang kamay niya.

"Aray! Para saan 'yun?" inis kong tanong at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"You're too cute," sabi niya at tinuloy ang pagsasayaw namin.

Inirapan ko siya at hinawakan muli ang pisngi ko. Masakit pa din. Siraulong Brozon 'to. Ayoko na ngang kausapin 'to sa susunod namimisil ng pisngi!

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon