Chapter 35

4.6K 123 78
                                    

Natulala ako kung saan ko siya huling nakita.

Napahawak ako sa noo ko. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Sino siya? Hindi ko makilala yung boses niya!

"Bruha ka! Kanina pa kita hinahanap. Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ka nakatulala diyan?"

Hindi manlang ako nagulat nung biglang nagsalita si Julia. Inakbayan niya pa ako at tumingkayad bago tignan yung tinitignan ko sa malayo.

"Ano ba 'yun? Wala naman akong makita eh!"

Napakurap kurap ako. Ang lambot ng labi niya ah? Ay! Ano ba, Brina?!

"W-Wala. Tara na!" sabi ko at hinila siya.

"Wait lang may tinitignan ka e. Ano 'yun? May nangyari ba? Chika mo naman!"

Tinignan ko siya. "Papasok tayo o papaputukin ko 'yang bunganga mo?"

"Paputukin! I dare you!" tuloy pa din siya sa pagtingin sa dulo.

Hinatak ko na lang siya sa tenga at pumasok na kami sa loob. I tried to act normal.

Ngayon ko lang hinintay mag12am kasama ang ibang tao. Worst hindi ko pa kilala kung sino.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Keith. Napangiti ako kaya sinagot ko agad ang tawag niya.

"Happy new year, bestfriend!" masayang bati ko.

"Happy new year! Miss na kita!"

"Miss na din kita! Here's for another year for our friendship." sabi ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. Nagkwentuhan pa kami ng ilang saglit.

Another year. So far, last year was good to me. Ngayon kaya?

**

"'Di ka tatayo? Tatayo o bubuhusan kita ng mainit na tubig?"

Dinampot ko ang unan at umupo. Hinampas ko si Kuya sa mukha at sinimangutan siya.

"Tatayo!" sigaw ko sakaniya.

Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko. Tamad na tamad talaga akong kumilos pero 'di pwede maging tamad kasi may pasok na.

Kahit antok na antok pa ako naligo na ako. Nagbihis at nag-ayos tapos bumaba na.

"Goodmorning, Garcia family!" bati ko at uupo na sana pero hinatak ako ni Kuya patayo at sinalpakan ako ng sandwich sa bunganga.

"Late na tayo inday. Pag tayo napahiya kay Tita Kaitleen sa flag ceremony ikaw itutulak ko sa harap para sumayaw." sabi ni Kuya.

Tumawa sila Mommy. Nakasimangot kong sinundan si Kuya hanggang sa makarating sa sasakyan.

Pagkarating namin ni Kuya sa EU dumiretso kami sa Gymnasium. Tinulak ako ni Kuya papunta sa linya namin at natamaan ko naman si Kyle.

"Sorry," sabi ko at naglakad patungo sa linya ko.

Katabi ko si Keith. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok bago magfocus sa ginagawa.

Pagkatapos ng flag ceremony dumiretso na kami sa room. Syempre kwentuhan tungkol sa mga nangyari nung pasko at new year.

"Tas alam mo ba-" pinutol ko si Julia.

"Juls, magkasama lang tayo nung pasko at new year para namang 'di ko alam 'yang kinekwento mo?"

"Ano ba! E gusto kong ikwento nakakatuwa kaya!" singhal niya.

Tumawa na lang ako at sumenyas na 'Sige na pagpatuloy mo na lang 'yang kwento mo.' kahit na buryong buryo na ko.

My Other HalfWhere stories live. Discover now