Chapter 15

5.9K 173 28
                                    

Bagot na bagot na ako sa bahay dahil weekend. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nakatingin lang ako sa pinapalabas.

Dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan si Julia. Magaaya na lang ako!

"Juls, gala tayo." aya ko sakaniya at humikab.

"Nababagot ka din?" tumawa siya ng bahagya.

"Oo, sobra."

"Sige tara! Ayain din natin sila Janeah."

"Tatawagan ko si Ianrie ikaw na kay Janeah. All girls lang ba?" tanong ko sakaniya.

"Oo. Pag sinama mo pa sila Kuya Bryle magugulo lang mundo natin e,"

Tumawa ako. "Osige. Tatawagan ko na si Ianrie."

Binaba ko ang tawag at agad dinial ang number ni Ianrie. Hindi ko alam kung kakagising niya pa lang o ano dahil sa tono ng boses niya.

"Gala tayo!" aya ko sakaniya.

"Hmm, what time?"

"Mga one pm,"

"Okay! Sila ate ba isasama?"

Natawa naman ako ng bahagya. Para kasing ayaw niyang isama si ate Jeremae.

"Oo naman!" tumatawa kong sabi.

"Tse! Sige na."

"Wait!" pigil ko sakaniya. "Magpaalam ka muna kay bossing Keith," hagikgik ko.

"Brina!" saway niya kaya tumawa lang ako at pinatay na ang tawag.

Tinignan ko ang oras. Eleven thirty pa lang pero mukhang kailangan ko ng maghanda. Para pagbaba ko, kain lang tapos ay alis na!

Kaya ganun nga ang ginawa ko. Naligo na ako at nagbihis. Isang oras din siguro akong natapos. Nagfoundation, blush on at liptint lang ako bago kinuha ang bag ko at lumabas.

Naabutan ko naman si Kuya sa sala na nakakunot ang noo habang nanonood.

"Huy!" tapik ko sakaniya kaya tinignan niya ako.

"Ikaw!" turo niya sakin at tumayo siya kaya napaturo ako sa sarili ko.

"A-ako?"

"Oo! Kanina pa kumakatok sila Manang sa kwarto mo! Ilang beses din akong kumatok pero hindi mo binubuksan! Akala namin may nangyari na sayo!" sigaw niya sakin kaya napapikit naman ako.

"Kuya, pwedeng... pakihinaan?" mahinahon kong tanong.

Pinitik niya ang noo ko kaya hinimas ko 'yun at tinignan siya ng masama.

"Kumain kana dun!" sabi niya at napatingin sa suot ko. "At san ang punta mo?"

"Wala kana dun!" sagot ko at agad pumasok sa kusina. "Hi, Manang! Ate Melody!" bati ko sakanilang dalawa.

"Juskopo, Brina Kaye! Bakit hindi mo binubuksan ang pinto mo?" kabadong tanong ni Manang.

"Baka po naliligo ako nung kumakatok kayo. Nagpatugtog din po kasi ako habang naliligo." sabi ko at nagpeace sign.

"Maryosep kang bata ka!"

"Hehe..."

"Kumain kana," sabi ni ate Melody at pinaghain ako.

"Si Kuya po ba kumain na?"

"Hindi pa. Nagalala 'yan sayo." sagot ni ate Melody sakin.

Napangiti naman ako at nagpaalam sandali sakanila bago puntahan si Kuya na nanonood pa din.

"Hindi ka pa din pala kumakain, Kuya. Tara na sabay tayo!" sabi ko at hinila pa siya.

"Mauna kana,"

My Other HalfWhere stories live. Discover now