Chapter 64

4.3K 127 31
                                    

Natapos ang klase ko para sa araw na iyon na tikom ang bibig ni Zoe. Mabuti at ganun ang ginawa niya dahil baka hindi ko siya matantya kapag hindi pa siya tumigil kakabunganga niya.

Lumabas kami ng classroom at nagulat ako nung makita ko si Brozon na nakasandal sa gilid. Nakayuko habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot.

"Oh, look who's here! Hi, Brozon!" malambing na bati ni Zoe sakaniya.

Nag-angat ng tingin si Brozon at tinignan siya ng walang kaemo-emosyon.

"You won't do anything?" pabulong na tanong sakin ni Keith.

Umiling ako, "Let's watch."

"Kamusta?" malamig na tanong ni Brozon at umayos ng tayo.

Tinapunan ako ng tingin ni Zoe bago ngingisingising balikan ng tingin si Brozon.

"How sweet. I'm doing good. Anyway, I enjoyed our last bonding! Akalain mo 'yun? Sa Netherlands lang pala kita makikita! Didn't knew you were that wild," lumambot bigla ang tono ng pananalita ni Zoe sa huli na para bang inaakit si Brozon.

Gusto kong masuka. Umiiling na napaismid ako bago ibalik ang tingin kay Zoe. Hindi ko maintindihan kung ano na ang nangyayari sa mga kasabay ko na ganto ang edad.

Ganito na ba talaga ang henerasyon namin? Kahit ang babata pa ay nagagawa nang umasta ng ganyan sa harap ng isang tao na parang walang delicadeza. Nakakahiya.

Tumagilid ang ulo ni Brozon na para bang sinusuri pa si Zoe. Matagal iyon kaya napansin ko ang pagkailang ni Zoe.

"Woah," maarteng sambit ni Zoe at hinarang ang dalawa niyang kamay na parang sinasabing tumigil siya. "Not here, Brozon. Let's go outside."

"Juskolord. Ano ba 'tong pinapanood natin?" bulong ni Janeah.

"Nababaliw ka na ba, Brina?" naiinis na singhal sakin ni Julia pero tinaas ko lang ang kamay ko, senyas na maghintay sila.

Kung alam lang nila kung paano nagngingitngit ang inis ko.

"Yeah, sure. You wanna talk outside? But before anything else, me and Brina wants to thank you for sending that picture to her. You made a way for us to be okay again," ngumiti si Brozon. Iyon yung ngiti niya na hihilingin ng bawat babae dito sa EU na makita dahil napakagwapo niya sa ngiting 'yon. Tinapik niya ang balikat ni Zoe, "I changed my mind. Kailangan pa naming gumala magbabarkada. Thank you, ha? You made our relationship stronger." nakangiti niya pa ding sabi at inakbayan ako.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Zoe. She looks offended. Parang may kung ano akong naramdaman kaya nilingon ko si Brozon na ngingisi-ngising tinitignan si Zoe habang dinidilaan ang labi.

"Brozon," pananaway ko sakaniya.

Sinulyapan ko si Zoe at ganun pa din ang naramdaman ko. Hindi tama.

Marahan kong inalis ang pagkakaakbay ni Brozon sakin at nilapitan si Zoe. Sumama ang tingin niya sakin. Parang doon pa lang siya nakabawi dahil umatras siya at taas noo akong tinitigan.

"Zoe, I'm—"

Dinuro niya ako, "You're going to regret this, Brina. Lahat ng gagawin sakin ng mga kaibigan mo ikaw ang sasalo. Mark my word. Right, Ianrie?" ngumisi siya bago kami talikuran.

Tinitigan ko siya habang papalayo. Napadyak ko ng isang beses ang paa ko sa inis. Inis hindi kay Brozon kundi para sa sarili ko. Hindi ko sana sila hinayaan!

"Hey, something wrong?" nagaalalang tanong ni Brozon sakin at hinarap ako.

"Can we stop this already? Pabayaan na lang natin siya. Kasi kada pinapansin natin siya, lalo lang lumalala e."

My Other HalfWhere stories live. Discover now