Chapter 1

14.6K 288 50
                                    

"Brina, what hell!" rinig kong sigaw ni Kuya sa likod ng pintuan ko.

Tumawa ako at pinasadahan muli ang buhok ko ng suklay. "Coming!"

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas. Mage-enroll kami ngayon ni Kuya. I'll be on 3rd year HS while Kuya will be on his final year, 4th year.

"Napakatagal mo!" inis niyang sabi saakin ng makalabas ako. Tinignan niya ang suot ko. "And why are you wearing a dress?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Masama ba?"

"No, mukha ka lang namang kurtina sa suot mo,"

Hindi ko talaga alam kung bakit naging kapatid ko 'to e!

"It shows too much of your skin." sita niya saakin.

"Sasaglit lang naman tayo dun, Kuya. Gagala pa ba tayo?" tanong ko sakaniya.

"Maybe? Kung magaya sila,"

Hindi ko mapigilang hindi maexcite. Finally I'll see them again! Buong bakasyon kasi ay sa Cali kami nagstay kaya hindi kami nakasama sa mga gala.

Bumaba kami at pinahanda na ni Kuya ang sasakyan. Tumungo kami sa kusina at nakita namin doon si Mommy na nilalagyan ang tasa ni Daddy ng kape.

"Goodmorning Mommy and Daddy!" bati ko sakanila at hinalikan sila parehas sa pisngi.

"Goodmorning!" bati ni Mommy saakin.

"Mabuti at nakadress ka?" nakangiting tanong ni Daddy saakin nang punasan niya ang labi niya.

"Akala niya nga ang ganda niya diyan, dad, e,"

Umirap ako sa sinabi ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit naging Kuya ko pa ito!

"Maganda naman talaga para sakaniya. She really looks like her Mom," nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Daddy bago hapitin sa bewang si Mommy.

"Not again," iling ni Kuya.

"Heard that, Kuya? Bagay sakin! Kaya 'wag ka ng kumontra! And Dad said I looked like Mom. E ikaw? Ampon ka lang ata!" singhal ko sakaniya.

"Wo--" pinutol ni Mommy si Kuya sa pagsasalita.

"Stop! Stop! Eat first my babies. Hindi magandang tignan na nagaaway kayo sa harap ng pagkain," saway samin ni Mommy.

Bumelat lang ako kay Kuya at sinimulan ng kumain. Si Mommy at Daddy ay naguusap tungkol sa business.

Ayaw ni Daddy na pagtrabahuhin si Mommy kaya dito lang siya sa bahay. I remember Dad said that he wants to make sure that Mom is only at home dahil baka raw may mangyari dito. Yeah, ang OA ng Daddy ko.

"Want to go with me, baby?" tanong ni Daddy kay Mommy.

"Gross, Dad! Baby? You aren't teenagers anymore!" sabat ni Kuya.

"Kuya alam mo napakaepal mo talaga! Wala ka bang magawa sa buhay? Tumalon kana lang sa building!" irap ko sakaniya.

"Gusto mo bang ikaw ang tawagin kong baby, Bryle?" ngumisi si Daddy.

Nagtawanan kami samantalang si Kuya ay parang nandidiri. Kung pagtatabihin mo sila ni Daddy, hinding hindi ka magda-dalawang isip na hindi sila mag ama. Same as me and Mom.

"No way! Nakatiis nga ako ng sixteen years sa tawagan niyo na 'yan. Kaya ko pa ng ilang taon," nagthumbs up pa si Kuya pero kita mo na nandidiri siya.

"Am I allowed to call you baby too, Bryle Klay?" tanong ni Mommy habang nakapout pa.

Umirap si Kuya. "Ofcourse... Mom..." parang nahihirapan pa si Kuya na sabihin iyon. "Bakit ako ang pinagt-tripan ninyo?"

Nagtawanan kami sa tanong ni Kuya.

My Other HalfWhere stories live. Discover now