Chapter 8

6.2K 189 30
                                    

Bago ako matulog ng gabing iyon ay naglakas loob pa akong ichat si Kyle para sabihin sakaniya ang mga dadalin niya. Pero ang natanggap ko lang mula sakaniya ay isang seen.

"My! Nasaan yung evaporated milk?" tanong ko kay Mommy kinabukasan.

"Anong gagawin mo dun? Iinumin mo?" tumawa si Kuya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't 'di mo gawin? Ikaw ang nakaisip,"

"Here, sweety." inabot sakin ni Mommy ang isang can ng evap.

Nilagay ko iyon sa bag ko. Kumpleto na ang dadalhin ko. Sana lang ay may dala si Kyle.

"Tara na," aya sakin ni Kuya at tumayo na siya.

Agad kong hinalikan si Mommy sa pisngi bago magpaalam at umalis na kami ni Kuya.

Hinatid niya ako sa room ko pagdating namin. Hinalikan niya ang noo ko at tinignan ako.

"Bakit ang pangit ng kapatid ko?" tanong niya saakin na pinanlisikan ko lang ng mata.

Tumawa siya at tinulak na ako papasok.

"Ano ba!" irita kong singhal sakaniya.

Nang umalis na siya ay umupo na ako sa pwesto ko. Tinignan ko muna ang upuan ni Kyle na bakante. Pumasok ka Kyle Maxwell kung hindi naku! Sinasabi ko sayo!

"Kawawa. Wala pa yung partner para mamaya," asar ni Keith sakin.

Piningot ko siya. "Porket partner mo 'yang lalabs mo?" tinaasan ko pa siya ng kilay.

Inakbayan niya ako at mabilis na inamoy ang pisngi ko.

"'Wag kang magselos. Ikaw pa din naman pumapangalawa,"

Umirap ako at tinulak ang mukha niya. Tumawa siya kaya hindi ko na lang siya pinansin.

What if pumayag si Ianrie na manligaw siya at maging sila? Edi pangatlo na lang ako? Una si Tita Kinah, si Ianrie, tapos ako?

Bakit ko nga ba iniisip iyon e ayos lang naman diba? Bestfriend.

"Yow, Kyle! Alam mo bang nagdadalamhati na 'tong bestfriend ko dahil akala niya 'di ka papasok?" humalakhak si Keith ng sabihin niya iyon.

Tumawa sila Enzo. Gustong gusto ko ng sabunutan si Keith dahil sa sinabi niya. Mapaggawa ng kwento!

Tinignan lang kami ni Kyle bago dumiretso siya sa upuan niya sa likod.

"Nagmukha kang tanga, diba?" asar ko sakaniya.

Nabalik lang ang atensyon namin sa harap ng dumating si Miss Gomez. Masungit ang aura nito kaya natahimik ang lahat.

Nagsimula siyang magdiscuss at lecture. Binigay ko agad kay Keith ang notebook ko at hinayaang siya na ang magpasa nun.

"Hey, Brina." tawag sakin ni Via kaya napalingon ako sakaniya. Nakita kong nakasubsob si Brozon at nakahalumbaba si Via sa likod ni Brozon. "Sama ka mamaya?" tanong niya.

"Saan?"

"Gymnasium. May meeting mamaya ang mga varsity players. May mga bago kasi sila,"

"Oo. Tutal nandun din sila Kuya mamaya."

Ngumiti siya ng malapad. "Great!"

Ngumiti ako sakaniya at tinignan na si Keith na papalapit na sakin. Dala dala niya na ulit ang notebook naming dalawa.

Nang magrecess ay sabay sabay kaming tumungo sa cafeteria. Namataan agad namin sila Kuya na nandoon kaya tumabi na ako kay Kuya.

"Where's mine?" tanong ko sakaniya.

My Other HalfWhere stories live. Discover now