Chapter 11

19.1K 381 10
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

“Enjoying the scenery, Hon?” Ang boses ng pinakamamahal ni KC ang nagpabalik sa isip niya sa realidad. Marami na ang nangyari sa loob ng tatlong buwan. Their relationshop are getting better and sweeter each day, Magkakilala na at magkaibigan na ang mga parent ng dalawa. All are going according to plan at para kay KC ay siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

“Yes! This place is exceptionally beautiful. Hindi ako makapaniwalang nasa ‘pinas parin tayo,” Birong turan ni KC sa kasintahan.

James can’t help but to kiss the tip of KC’s nose. It became a habit for James na halikan ang dalaga pag nagbibiro ito. Nakyakap si James sa dalaga at nakatayo sila sa veranda ng mansion nila James sa Isla Cristobal na pagmamay-ari pa ng ninuno ni James. Napakalawak ng isla ngunit dalawa lang ang bahay doon, ang Mansion at ang bahay ng tagapag-alaga ng bahay. Pag may kailangan ang mga taga-alaga ay kailangan pa nilang umalis sa isla at bumili sa kabilang isla kung saan nandoon ang bayan. Napapalibutan din ang isla ng mga white sand. Gubat naman ang nakapalibot sa bahay na nakatayo yata sa gitna ng isla. Isang European Mansion na malalaman mo sa isang tingin na sobrang tagal ng nakatayo ang bahay at may garden sa gilid nito na pinangangalagaan ni Mang Isko.

Napagpasyahan ng magkasintahan na libutin ang isla kinabukasan dahil na rin sa pagod sa mahabang biyahe. “Dinner’s ready, hon. Mang Isko cooked for us. Naku, kapag natikman mo ang luto ni Mang Isko ay baka makalimutan mong kasama mo ako sa sarap ng luto,” Birong sabi nito at iginaya na si KC sa hapagkainan. Nakalimutan na ni KC ang bakasyon na sinasabi ni James sa kanya noon 3 months ago dahil sa busy nila sa trabaho. Akala niya ay pinaglololoko lang siya nito. Nagulat na nga lang siya at naka-empake na siya, salamat sa pinsan at nanay niya, at sinusundo na siya ni James papunta dito.

“Ganoon kasarap magluto si Mang Isko? Masubukan nga at ng maalis naman ang naka-mighty bond na yatang si Mr. James sa utak ko,” Tatawa-tawang sabi ni KC habang nagpapaubaya siya igaya nito sa hapagkainan. Hindi na rin nakapagreact pa ni James dahil narin sa ginawaran ni KC ng mabilis na halik si James at tumakbo pababang hagdan. Hinabol na lang siya nito na natatawa.

Naabutan silang naghaharutan ni Mang Isko at tumukhim. “Pasensya na po sa pang iistorbo pero handa na po ang pagkain. Sige po at aalis na ako at naghihintay na ang pamilya ko. Sir James, Mam KC aalis na po ako,” sabi nito at tumalikod na.

“Sige po Mang Isko. Salamat po ng marami sa pagluluto para sa amin,” Kaway pang paalam ni KC sa matandang lalake. “Well, lets chek out the food,” sabi pa nito at sabay silang pumuntang hapagkainan at holding hands pa

“Wow! Sobrang sarap naman nito,” sabi ni KC nang tinikman nito ang tinolang manok na  specialty daw ni Mang Isko. “Simple lang pero sobrang at punong puno ng lasa. Sobrang sarap sigurong maalagaan ni Mang Isko,” sabi nito na hindi matapos ang pagtikim nito. Kumuha na siya ng kanin at dalawang plato. “Kain na tayo, Gusto ko nang lumafang~” sabi pa nito at nilagyan na ng kanin ang plato ni James na nakangiti lang na tinitignan siya. “What?” Takang tanong pa niya sa kasintahan.

“Nothing. It’s just that its fun to just watch you. You make me smile just by a simple gesture and I love you more.,” sabi nito at sinimulan ng kumain.

Kinilig naman si KC pero hindi niya pinahalata. Isang napaka-tamis na ngiti na lang ang ibinigay nito sa kasintahan. “I love you too, Mr. Corny James,” sabi nito na humagikhik pa dahil sa pagbibiro at sinimulan na rin ang pagkain.

Naubos na nila ang inihain at niluto ni Mang Isko. James finish all of it sa kadahilanang miss na miss nito ang pagkaing niluluto ni Mang Isko. Favorite chef daw ni James ito. Niligpit na nila ang pinagkainan at nagagawan pa nga sila kung sino ang maghuhugas pero nakapagdesisyon silang magtulungan sa paghuhugas. Dahil na rin siguro sa kadahilanang maghapon silang nagbiyahe ay taob sila sa kama dahil sa antok.

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Where stories live. Discover now