Chapter 2

26.7K 594 22
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

KC! Anak! Telepono. Nak, mukhang may trabaho ka na.” Nagmamadaling sabi ni Aling Kriselda habang kumakatok ito sa pintuan ng kwarto niya. “May tawag ka anak. Naghihintay pa sayo sa baba. Bilisan mo! Taga-JAC Corp daw. Anak!” Turan pa rin ng kumakatok na si Aling Kriselda.


           Kahit na yamot si KC ay bumangon na siya. Alas-sais pa lang ng umaga ay nag-iingay na kaagad ang nanay niya. “Nay naman e. Ang aga-aga pa nambubulabog na kayo diyan. Tignan nyo po nagising pa tuloy si Chloe.” Sabi niya na kakamot-kamot pa ng ulo habang binalingan niya si Chloe na pupungas-pungas ng mata.


            “E kasi naman may tawag ka nga pero tulog mantika pa kayong magpinsan. Bilisan mo at naghihintay sayo sa baba. Magkakatrabaho ka na yata anak.” Excited na sabi ni Aling Kriselda. Sa pagkakarinig ang napamulagat si KC at ngumiti nang abot hanggang tenga.


            “Talaga?!” Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo pababa si KC. Muntik muntikan na nga siyang mapasubsob sa sahig dahil sa pagmamadali. Nakita ni KC ang ama na kinakausap ang nasa telepono para hindi mainip.


“O nak. JAC Corporation daw.” Sabi ng tatay niya na nakangiti rin at ibinigay na kay KC ang telepono.


Huminga muna siyang malalim bago niya kinausap ang nasa telepono. “Hello. Sorry for the wait. I am KC Valdez.” Ang kalmado niyang panimula pero nakatingin siya sa mga magulang at kulang na lang ay himatayin siya.


“Hi Ms. Valdez. I'm Mrs. Santos, executive secretary of the President of JAC Corp. My boss said that you're hired and wanted you to report today for an interview buut don't worry about the interview, it's just for formality.” Ang kalmado at masayang pagbabalita sa kanya ng secretary nang Presidente.


“Uhhmmm. Sige po. Maraming maraming salamat po. Anong oras po ang interview?” Masayang sagot ni KC. Hindi matutumbasan ang kaligayahan niya ngayon. Unang pagpasa palang ng resume ay nakuha na kaagad siya. Kung susuwertehen ka nga naman.


“Mga alas-onse ng umaga. I'm sure na makakapag-ayos ka pa niyan at makakapunta dito.” Sabi ulit ni Mrs. Santos.


“Sige po. Darating po ako diyan ng alas-onse ng umaga. Maraming salamat po ulit. Bye.” Sabay baba ng telepono ni KC nang magpaalam na si Mrs. Santos. “Kyaaaaaaaaaaaaa~!!!!” tumatalon habang natili si KC at patakbong pumunta sa mga magulang. “NAY! TAY! May trabaho na ako!” Nag-hihisteriyang sabi ni KC sa mga magulang.


“Congratulations anak! I'm so proud of you!” Masayang bati ni Aling Kriselda na naluluha pa sa saya. Habang ang tatay naman niya ay tahimik lamang pero makikita sa mga mata nito na sobrang saya sa kanyang anak-anakan.


“Naku nay nag-drama ka pa talaga. Kanino pa ba ako magmamana ng katalinuhan? Edi sa inyo rin. Kung hindi dahil sayo, ma, hindi rin naman ako makakatapos ng pag-aaral e.”, sabi ni KC na medyo naluluha na rin.


“Oi Sali naman ako diyan, Sis.”, Masayang bati ni Chloe na yumakap na rin sa kanya. “Edi, Sis punta punta na lang ako sa inyo para makakita rin naman ako ng mga JESTER member. Malay mo dumalaw doon si Ezekiel at baka mainlove pa sa akin.” Humagikhik na sabi ni Chloe.

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Where stories live. Discover now