Chapter 10

18.5K 384 5
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Tense na tense na siya kanina pa. Ngayon niya kasi ipapakilala bilang boyfriend niya si James sa magulang niya. Gusto sana niyang tumawag muna bago pumunta sa bahay nila pero pinigilan siya ni James dahil mas exciting daw kapag harap-harapang pagpapakilala. Dumaan muna sila sa Goldilocks para bumili nang puto, cake at polvoron mga paboritong makukukot ng magulang niya. Bribery kumbaga. Hindi niya nga maintindihan kung bakit siya ang tense na tense kaysa sa nobyo niya. Nagtataka tuloy siyang tinanong ito.

“Aren’t you nervous?”

“Well, A little bit kasi nakilala ko na sila. They really are a very welcoming and happy couple. I know na yung reaksiyon nila ay hindi katulad nung una naming pagkikita pero handa ako. Sooner or later naman kasi ay dadaan din ako sa process na ganito and I really like the feeling,” sabi nito at binigyan siya ng isang napakagwapo at reassuring smile habang hinawakan nito ang kamay niyang tumigil na sa panginginig.

“I think your just full of yourself na matatanggap ka ni nay at tay,” sabi niya na nawala na ang pagka-tense na kani-kanina ay parang ayaw ng umalis sa kanya.

“Well, that aswell,” sabi nito at tumawa ng malakas.

“Honey, we arrived,” Inihinto nito ang kotse sa tapat ng bahay nila. Dahil na rin sa pagiging gentleman nito ay lumabas ito para pagbuksan ang pintuan niya.

“Salamat,” sabi niya ng makababa na. “Halika na,” Pagkasabi niya ay hinawakan nito ang kanyang kamay at ipinaloob sa kamay nito. Medyo natawa siya kasi ito naman ang parang ninerbiyos ngayon.

“Hala. Ninenerbiyos ka? Akala ko ba okay ka lang,” sabi niya at pinisil ang kamay na nakahawak sa kanya.

“Eh kasi malayo pa tayo nun, ngayon, andito na tayo. Standing in front of your house makes me nervous…sa tingin mob a matatanggap nila ako bilang boyfriend mo?” Pag-amin nito. Ngayon niya lang nakitang ninenerbiyos ang nobyo. Kasi kahit na mahirap i-please ang mga ka-meeting nila ay very confident parin ito sa sarili.

Tumingkayad siya at inilapit ang mga labi sa tenga nito. “Don’t worry, honey, botong-boto sayo sila nay at tay pati na rin si Chloe,” sabi nito sa lalaki para hindi na ito nerbiyosin.

“Thanks, hon,” Yun lang at pumasok na sila sa loob. Medyo nagulat pa nga ang mga magulang niya sa pagdating nila.

“O andiyan na pala kayo. Maupo ka na muna Sir James,” sabi ng Tatay Castro niya na nanonood ng TV Patrol. “Halika at manood tayo nang telebisyon,” Anyaya pa nito sa nobyo niya.

            “Naku, Sir James dapat hindi na kayo nag-abalang bumili ng pasalubong. Inihatid niyo na nga si KC dito e. Nakakahiya na po,” sabi naman nang nanay niya na nagpupunas nang basang kamay nito. “KC, halika na dito at tulungan mo akong maghanda ng makakain at baka gutom na ang Sir mo,” Tawag sa kanya ng mama niya at akmang tatalikod na ulit.

“Nay. Tay. May sasabihin po sana kami,” Pigil ni KC sa nanay niyang papunta ng kusina. Bigla namang nag-ayos ng upo ang tatay niya at tumingin kay Nanay Kriselda.

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon