"Oh..." I glanced at the floor to look for my other slipper. "Yeah, sure. Wala po iyang problema,"

"Alam mo ba kung saan ang bahay nila? Malapit lamang sa municipal ang nilipatan niyang bahay,"

"Kung gayon ay malapit lang pala sa amin..." wika ko at dinampot ang suklay. "Puwede ko po siyang puntahan ngayon, Mayor."

"Great! Gusto ko sanang kausapin kayong dalawa ngayon pero abala pa rin ako, eh. Kapag may initial design na kayong dalawa, saka tayo mag-set ng meeting sa town hall o sa bayan... mag-usap tayong tatlo,"

"Sige, Mayor... wala pong problema."

Ibinaba ko na ang tawag matapos niya akong mabigyan ng numero ni Architect Saturnina. Sinilip ko ang labas para hanapin si Tonyo at magpahatid na lamang sa kaniya.

"Naku, Ma'am, kaninang umaga pa po umalis si Tonyo. Busy din po yun sa pagdedeliver ng mga nagaling na bigas sa bayan. Mukhang maganda po ang harvest nila sir ngayon..." balita sa akin ni Cynthia.

"Ganun ba? I guess I'll have to take the trike, then..."

"Saan po ba kayo pupunta? Para masabihan ko si sir sakaling umuwi siya ngayong hapon,"

"Sabihin mo may kikitain akong kaibigan sa bayan. Hindi naman ako magpapagabi. Sige, Cynthia!"

Tinahak ko na palabas ang aming bahay. Sakto namang may tricycle na dumaan sa tapat namin. Isa nalang ang kaniyang pasahero at inihatid niya muna ito bago kami dumiretso sa municipal hall. Hindi ko inakalang medyo lubak pa pala ang daanan patungo sa bahay ni Architect Saturnina. Nang makita ko na ang konkretong bahay nila at ang matangkad na babaeng naghihintay sa akin sa labas ay pumara na ako.

"Engineer Mallory Monterio?" tanong niya nang nakangiti. I smiled back at her. I think she's new to town. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakita. Ang kaniyang tuwid na tuwid na buhok ay umabot hanggang beywang. She also had bronze skin and bright eyes. Palakaibigang ngiti ang iginanti niya sa akin. "Architect Saturnina Mercado..." aniya at iniabot ang kaniyang kamay. "You can just call me Saturn..."

"Okay, Architect Saturn..." I smiled back as well.

"Ikaw ang asawa ni Sage Monterio, hindi ba? Ang may-ari ng planta at palayan?"

Nahihiya akong tumango sa kaniya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan.

"At magkaka-anak na pala kayo!" bulalas niya. "That's good to know."

"Thank you,"

"Pasensiya ka na at medyo makalat pa ang bahay, kakalipat ko lang kasi..." wika niya habang naglalakad kami papasok ng kaniyang bahay. May nakapatong na mga box sa gitna ng sala. "Hindi pa rin tuluyang nakukuha ng dating may-ari ang kaniyang mga gamit rito,"

"You're not from here?" I asked, out of curiosity.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Nope. I'm from the south,"

Tumango lamang ako at naupo sa pang-isahang sofa. Iginala ko ang aking paningin. Totoong naglilinis pa nga siya sa bagong bahay.

"Anyway, what would you like to have? Coffee, tea, or milk?"

"A glass of milk will do,"

"Coming!" masigla niyang sagot sa akin.

Oddly, the house feels so familiar to me. Malaki ito ngunit kulang sa renovation. Walang pintura ang loob at labas ng bahay. A wired fence surrounds the property and a bed of dying flowers on the yard. But Saturn is an architect. I'm sure, in no time, she'll be able to transform this house into a home. A lovely one.

Mayamaya pa ay bumalik na siya na may dalang tray at may lamang dalawang mug. Iniabot niya sa akin ang isa. Kinuha niya isa-isa ang mga box na nakapatong sa coffee table at pumasok sa kwarto. Saka niya inilapag ang kaniyang mga materials sa lamesa.

Saturn then started talking about her plans for the bridge. I listened attentively to her but something caught my eye. A card fell from one of the boxes she moved from the coffee table. Kinuha ko ito.

It's an ID.

"Vince Gideon Castillo?" namilog ang aking mga mata nang makita ang litrato ni Gideon sa ID. He looks a few years younger here.

"Oh..." Sumilip si Saturn sa hawak kong ID. "Siya ang dating may-ari nitong bahay. Naiwan niya siguro kasama ang iba pa niyang mga gamit dito,"

Hindi ako makapaniwala sa nakita. Tinitigan kong mabuti ang ID. Tila napansin yata ni Saturn ang pagkabalisa ko dahil tinanong niya ako.

"May problema ba, engineer?"

Mabilis akong umiling at ibinalik ang ID. I tried to listen to her but my mind is preoccupied with the thoughts of Gideon. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa meeting naming dalawa.

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. At laking gulat ko pa nang makita ko siyang nagkakape sa aming bakuran kasama si Sage.

I rushed toward him. Nginitian niya ako.

"Mallory, I have great news-"

"Gideon Salvador..." wika ko at huminto sa kaniyang harapan. Nawala ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita niya kung gaano ako ka-seryoso. Maging si Sage ay nagtaas ng kilay na para bang nagtatanong kung anong mayroon. "Or should I say, Vince Gideon Castillo?"

Nanlaki ang mga mata ni Gideon sa aking sinabi. Maging si Sage ay nagulat.

"Castillo?"

He lowered his gaze to the ground.

"Gideon..." I trailed off. "No—Vince..."

"I can explain, Mallory." Anito sa mahinang tinig.

"Yeah..." I crossed my arms over my chest. "I want to know... sino ka ba talaga?"

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now