E P I S O D E 3 0 - M A C Y

Magsimula sa umpisa
                                    

Magkatabi parin kami hanggang sa naupo at inangat ang nakakaipit na bagay na magpoprotekta sa amin. Siya ang nagkabit ng safety belt ko, hawak parin ang kamay ko pati ang kaniya. Chineck ng staff ang bawat nakasakay, nakita ko pa ang ngisi nito sa magkahawak naming kamay ni abno.

"Still holding my hand?" ngisi niya, nang-aasar. Sinamaan ko siya nang tingin at hinablot ang kamay ko. Natatawa naman siyang nilahad ang kamay niya, kinukuha ulit ito. "Give me your hand!" utos nito, pinagsalubong niya ang kaniyang kilay kunwaring galit. Pinandilatan ko siya at hindi binigay ang kamay ko. "Babe please!" ngumuso ito, nagpapacute pa.

"Ulol" nilabas ko ang dila ko, inaasar siya. Hindi na natuloy ang asaran namin dahil sa pag-andar nito. Mabagal ang una, hinahanda kaming mga nakasakay ngunit ng tumagal na ay para akong hinahatid pabalibag sa kalangitan. Wala halos akong makita dahil sa buhok kong humahampas sa mukha ko. Narinig ko ang halakhak ni abno habang ang mga ibang babae ay nagsisigawan na. Natawa na lamang ako.

Pagbaba namin ay sunod naman sila Shana, binigay sa akin ni Alesia ang camera. Kasama ko si abno, lumipat kami sa kabilang side para mapanood namin sila. Nakapuwesto sila sa harap ng manonood kaya naman kinunan ko sila. Hindi ko alam kung anong mayroon kay Macy at ganoon ang itsura niya. Busangot na busangot ito.

"Let me see" dumungaw sa akin si abno na katabi ko. Tiningnan niya ang kinunan ko. "Nah, don't do it like that. Do it like this" siya ang kumuha nang camera, itinaas niya ito para kunan ang mga lokaret na pumostura naman. Napatingkayad naman ako dahil medyo nasasakal ako, nakasabit sa leeg ko ang camera.

"Dalian mo naman, feeling professional ka eh! Nasasakal na ko" reklamo ko. Maliwanag ang mukha niyang bumaling sa akin, malawak ang kaniyang ngisi. Tinanggal niya ang pagkakasabit nito sa aking leeg. Sinabit niya ito sa kaniyang leeg.

"You're so short" bahagyang tawa nito na hinawakan ang tuktok ng ulo na bumaba naman sa balikat ko, inaakbayan na niya ako. "What?" natatawang tanong niya, kunwari inosente. Tinanggal ko iyon ngunit agad niyang binalik. "Babe, galit kana naman?" bulong niya. Napakurap-kurap lamang ako at nag-iwas ng tingin, mabuti nalang at nag-ingay na ang mga nakasakay roon sa disco magic.

Napapansin ko rin ang mga taong napapalingon sa amin, naagaw namin ang pansin nila o ang katabi ko lang. Pinandigan niya ang pag-akbay niya na kanang kamay lang ang ginagamit sa pagkuha ng larawan. Hindi tuloy ako makapagfocus sa panonood sa mga lokaret.

"Look at this" pinakita niya sa akin ang dalawa, sabog ang kanilang buhok habang nakapikit at nakanganga. Nagkatinginan kami at natawa sa nakunan niya. Tiningnan ko ulit ang dalawa na ngayon ay tumatawa na.

Pagbaba nang dalawa ay dinaluhan nila kaagad kami at kinuha ang camera. Tawang-tawa sila habang tinitingnan ang nakuha sa kanila. "Ang galing mo palang kumuha, ah? Tingnan mo, Shana, ang panget mo talaga!"

Dahil sa haba nang byahe at tagal rin ng pila kanina ay bumili muna kami nang maiinom at makakain. Pagkatapos ay naglibot muna kami at naglaro sa mga skill games.

Naglalaro nang mini basketball ang dalawang lalaki kasama namin na walang iba kundi sina Clyde at Kreit. Nakatatlong hulog na ata si Clyde pero ang isa'y kulelat.

"Mukhang talo ang jowa sa larong 'to ah" bulong sa akin ni Alesia, nanonood kami sa gilid. Nakita ko ang pag-angat ng tingin samin ni Macy na nakahalukipkip, kumunot ang kaniyang noo at pairap na iniwasan ako nang tingin.

"Jowa ka diyan?" danggil ko sa kaniya patagilid ngunit binigyan niya lamang ako nanunuksong tingin. Inilingan ko siya at tumuon sa mga naglalaro.

"Fuck this shit!" mariing mura niya, hindi parin nakakahulog. Busangot na busangot na ngayon ang kaniyang mukha. Pumalakpak naman si Shana nang makuha ni Clyde ang gusto niyang stuffed toy, binigay niya 'yon kay Macy na sinuklian lang siya nang tipid na ngiti at umiling. Binigay na lamang ni Clyde 'yon kay Shana.

PEARL OF A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon