Chapter 7: It's you

16.7K 703 43
                                    

Chapter 7

Maingay, magulo at halu halo ang amoy sa loob. Unang beses ko palang makapasok sa ganitong klase ng bar at lahat ng makakasalubong ko ay iniiwasan ko. Bakit nga ba ako napapasok sa ganito?

Oo nga pala. Pinilit ako nila Mimi at Hyacinth. Ang sabi nila kailgangan ko daw ng break sa trabaho. Agad akong tumanggi at sinabing wala akong sapat na pera at damit pero ang sabi nila, sila na ang bahala kaya wala na 'kong lusot. Pinasuot nila ako ng asul na dress at heels na hirap na hirap kong gamitin. Hindi ako sanay gumamit ng may takong at ang ikinababahala ko ay baka matapilok ako o madapa.

"P-Pasensya na." Ako ang nabunggo niya pero ko ang nagpasensya. Hindi talaga ako kumportable sa lugar na 'to.

"You're new here, aren't you?" Matamis na ngumiti ung lalaki pero kakaiba dahil kinabahan ako lalo na sa paraan ng pagtitig niya.

"H-ha? Ah..."

"Maro." Rinig kong tawag ni Hyacinth sabay hila sa braso ko.

Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Hinila niya ko papunta kung san umuupo si Mimi. Nasa may bandang gilid ang inookupa namin, malayo sa dancefloor.

"Always stay with us, okay." Sigaw ni Hyacinth malapit sa tenga ko nang makaupo kami. Nakapulang dress siya habang itim naman ang kay Mimi.

Sa sobrang lakas ng music, nagsisigawan na kami. Parang nakikisabay naman ang puso ko sa malakas na dagundong ng bawat malakas na tunog.

Tumango ako. "Bes, Maro...tignan niyo un oh." Sinundan namin ang saglit na tinuro ni Mimi at napaawang ang labi ko nang makita si Seven katabi si Oliver. Naka v-neck shirt ito na napapatungan ng coat pero ang lakas parin ng dating niya kahit simple lang ang damit.

Hindi lang ito ang katabi niya kung hindi isang babaeng maganda. Hindi mawala ang tingin ko habang nakangiti sa kanya yung babae at hinahaplos haplos ang panga niya. May kinuha ito sa lamesa at sinindihan ang sigarilyong nakaipit sa mga labi ni Seven. Ngumiti ulit ung babae pero walang reaksyon si Seven at bumuga ng usok. Parang walang pake.

Kinalabit sya ni Oliver sa braso kaya lumingon ito dahilan para mahagip ako ng paningin niya. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Na'san ang CR dito?"

"I'll go with you. Mimi sa comfort room lang kami." Nag thumbs up ito samin habang sinasabayan ng mabagal na pagtango tango ang tugtugin.

Naiinis ako. Sabi ko na nga ba hindi siya seryoso sa sinabi niya. Siguro ung babaeng yun ang ginawa niyang girlfriend. Kung hindi, bakit siya nakaakbay sa babae at saka ang ganda nung kasama niya. Ang ganda ng damit tapos sexy hindi tulad ko. Napabuntong hininga ako. Bakit ko pa kinukumpara ang sarili ko sa iba?

Nagreretouch si Hyacinth habang nasa loob ako ng cubicle. Mabilis lang kami at agad na bumalik.

"Umorder ka na agad? And why only two?" naabutan namin ang isang waiter na naglalapag ng inumin. Umupo kami at umorder pa ng isa si Hyacinth bago ito umalis.

"I didn't order any. Alam mong ikaw ang hinahayaan kong umorder because you know drinks better than I..." hinayaan ko silang mag-usap. Hindi ko maiwasang tapunan ulit ng tingin ang grupo nila Seven.

Sana pala hindi nalang ako tumingin. Panay ngiti nung babae habang binubulungan ni Seven. Nakaakbay parin siya habang nasa dibdib niya na ang kamay nung babae. Lalo akong nakaramdam ng inis.

"...kay Seven."

"Ha?" bigla akong nacurious nang marinig ang pangalan niya.

"Ang sabi ko.. galing kay Seven ung drinks sabi ng waiter." Pasigaw na pag-uulit ni Mimi. Muli itong hinarap si Hyacinth. "Bes ito ah...feeling ko talaga may gusto sa'yo si Seven. Nung wala kayo, panay ang tingin niya dito na parang may hinahanap. Malakas talaga ang pakiramdam ko. I believe Seven has a crush on you if none then why does he keeps looking at us like now."

The Good Between BadWhere stories live. Discover now