Chapter 39

12.6K 345 29
                                    

Ramdam ko ang sakit ng katawan pag-gising. Agad itong nagdulot ng mga ala-ala kagabi. Pinamulan ako ng mukha dahil don. Lalo na nang mapagtanto ko na sa kama ako nakatulog at may suot na 'kong mga damit. Naka-panty habang suot ang pulang Tshirt ni Seven.

Lalo umakyat ang init at pula sa mukha ko dahil alam kong si Seven lang ang gagawa no'n.

Nakakahiya.

Bakit hindi ko namalayan na dinamitan na pala ako ni Seven? Nakatulog na kasi ako agad kagabi.

Teka, nasa'n na siya?

Bumangon ako at hinanap siya. Handa na ang lahat sa hapag nang makarating ako do'n. Napa-angat ng tingin sa'kin at ngumiti habang nilalapag ang plato sa mesa. Nakasando siyang puti at pajama.

"Good morning, princess."

Namula ako nang batiin ko siyang pabalik. Anong magagawa ko? Bawat tingin ko sa kanya at bawat rinig ko ng boses niya ay ung kagabi ang naaalala ko. Yung mainit niyang katawan na nakadikit sa'kin. Yung mga mararahan niyang haplos sa buong katawan ko, yung mga matatamis niyang halik...

Pa'no kung biglang may magbukas ng topic sa'ming dalawa tungkol do'n? Syete lang! Baka lumubog ako sa hiya.

"Do you feel fine?" tanong niya matapos lumapit sa'kin. Tanging nahihiyang tango lang ang sagot ko bago niya ko hilain sa kamay.

Ang akala ko maghihila siya ng upuan sa'kin pero mas lalong uminit ang mukha ko nang sa kandungan niya ko bumagsak.

"Seven, don na lang ako..."

"It's more comfortable here." Sabi niya sa pilyo at mababang boses. Hindi na ko nakaalis dahil pinulupot niya ang braso sa bewang ko. Napapirmi tuloy ako.

Komportable nga. Pero para sa'kin at hindi sa kanya. Hindi kaya siya nabibigatan?

"Ako na." Tanggi ko.

"I like doing this... Let me."

Nagdadalawang isip akong buksan ang bibig ko para sa kanya. First time kong makaranas na may magpakain sa'kin ng ganito. Ni hindi ko na nga matandaan kung kelan ako pinakain ng mismong magulang ko eh. Siya pa mismo ang nagsusubo sa'kin.

Maya maya ay bigla akong napalunok ng nginunguya at nineryos. Pa'no ba naman kasi 'tong si Seven. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang kamay niya sa damit ko.

Dahan dahan pa itong tumataas papunta sa dibdib ko. Ang hinlalaki niya ay delikadong humahaplos don. Biglang parang nakuryente ang buong katawan ko nang matamaan ng daliri niya ang ilalim ng dibdib ko.

Nagsimula nang uminit ang aking katawan. Hindi ko napigilan ang mapasinghap nang halikan ni Seven ang aking leeg.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil kung magpapatuloy siya, baka magkaroon ng part 2 ung kagabi.

Hinawakan niya ang baba ko para iharap sa kanya. Nang akmang hahalikan niya ko ay bahagya kong nilayo ang aking mukha.

"Sandali lang, Seven. Kailangan pa nating mag-usap."

Kumunot ang noo niya bago tumango. Alam kong nakuha niya na ang ibig kong sabihin.

Gusto kong ipagpatuloy ang usapan namin kagabi. Naantala lang kasi ito dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Kailangan naming pag-usapan ang mga susunod na gagawin namin. Hindi lang dahil napag-usapan namin ang nakaraan ay tapos na ang lahat.

"Pupuntahan mo ba si Eloise para tulungan?"

"No." Mabilis niyang tanggi.

"Bakit?" Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at mahigpit na yumakap. "Bakit nga?" Pangungulit ko.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now