Chapter 50

25.5K 680 100
                                    

Long distance relationship. Isang bagay na kahit kailan ay hindi ko inaasahang mararanasan ko. Ang totoo, negatibo ang pananaw ko sa LDR. Pinapahina nito ang init ng pagmamahal ng dalawang tao gawa ng distansya kaya takut na takot ako nang mag-umpisa kami ni Seven sa gano'n.

Pa'no nalang kung may makita siyang iba? Pa'no nalang kung magsawa siya? Biglang mawala ang pagmamahal sa'kin...

Ang dami kong tanong. Ang dami kong takot pero nakayanan namin sa loob ng isa't kalahating taon.

Sa panahong 'yon ay kung anu anong mga pagdududa ang naisip na hindi tama pero mali. Dahil dapat pala ang sarili ako ang binabantayan ko.

Nagbabasa ako ngayon sa library habang nilalaro ang singsing ko nang may humila nang upuan sa tapat ko bago ito punan. Napaangat ako ng tingin.

"Wazzup, beautiful?" Malaki ang ngiti niya sa'kin.

"Wala naman. Busy lang sa pagre-review para sa finals."

"Ganu'n ba? Kaya mo naman 'yon." Papuri niya na ikinahiya ko ng konti.

"Mag review ka na nga lang din, Gab at 'wag mo 'kong bolahin." Humalakhak siya na nagpa iling sa'kin.

"Stock knowledge is the best knowledge." Natawa ako.

"Sa'yo ko lang narinig 'yan." Nagkibit balikat lang siya at malawak na ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong magustuhan ang ngiti niya kahit maganda.

"There's this new coffee shop near the school. Do you wanna check it out? My treat."

Agad akong umiling. "Sorry, Gab. Study first."

Bumalik ako sa pagre review. Buti nalang hindi siya nagpumilit. Pinabayaan ko siya. Alam ko namang matutulog lang 'yan 'pag andito sa library.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang mukha niyang mahimbing na natutulog.

Si Gabriel ang dahilan kung bakit saglit akong nalito sa nararamdaman ko.

Una ko siyang nakita 6 months ago. Nagbabasa ako ng libro sa ilalim ng puno nang bigla siyang bumagsak sa harap 'ko. Magulo ang itsura at bagong gising.

Parang nakita ko sa kanya si Seven no'n. Hindi ko nga alam kung bakit kasi magkaibang magkaiba sila ng ugali.

Happy go lucky si Gab at si Seven naman ay masyadong seryoso.

Siguro dahil gano'n din ang nangyari sa unang araw ko sa DeRizanto kasama si Seven.

Naging magkaibigan kami at masarap siyang kasama. Kailanman ay hindi ko naramdaman ang pagkailang. Hindi ko rin namalayan na sobra na kaming naging malapit hanggang magtanong ang ibang classmate ko kung kami na daw.

Niyaya niya 'kong magdate pero tumanggi ako. Kahit simpleng paglabas. Sumasama lang ako 'pag sa mga group study or project. Classmate ko rin kasi siya sa ilang subjects.

Nagu-guilty pa 'ko no'n. Hindi ko magawang kausapin si Seven ng matino na araw araw tumatawag. Kunwari may sakit, nag rereview at kung ano pang maisip ko.

Mas lalo akong na-guilty dahil umuwi siya isang araw na nag-aalala. Feeling ko napakasama kong tao dahil nagdadalawang isip pa 'ko sa pagpayag na lumabas kasama si Gab habang siya ay hindi makapag trabaho ng maayos dahil akala niya may sakit ako.

The Good Between Badحيث تعيش القصص. اكتشف الآن