Chapter 17

14.2K 434 19
                                    

Handa na ba ang lahat ng kailangan ko? Ano pa ba ang kulang?

Inisa isa ko ang mga nilagay ko sa malaking backpack. Mga shorts, sando, underwears, tsinelas... Ano pa ba....?

Toothbrush!

Oo nga pala. Buti nalang natandaan ko. Pumasok ako sa banyo at kinuha ang toothpaste at toothbrush. Binalot ko ito plastic bago ilagay sa bag. Malay mo mapisa ung toothpaste ko. Kumalat pa.

Nang makasiguro na kong handa na ang lahat ng mga gamit na dadalhin ay nagtext na 'ko kayla Mimi at Hyacinth.

Napalingon ako sa direksyon ng pintuan at nahinto sa pagtri-triple check ng mga gamit nang may kumatok dito.

Napangiti ako at mabilis na tumungo para pagbuksan siya.

"Good morning, princess..." mas lalo pang lumawak ang ngiti ko habang binabati ko siya pabalik.

Hindi ko talaga mapigilan at parang nababanat na ang pisngi ko dahil sa malawak na ngiti. Mayro'ng kung ano sa endearment niya sa'kin. Hindi ko mawari kung ung mismong salita o baka sa paraan niya ng pagtawag sa'kin.

Ang sabi, ang paghalik daw sa noo ay tanda ng paggalang at respeto para sa isang babae kaya naman ramdam ko ang pag-init sa dibdib ko nang gawin niya yon habang nakahawak sa likod ng ulo ko.

Mas naamoy ko ang nakakaadik niyang amoy dahil sa lapit namin.

"You're all set?" Tiningala ko siya at nakangiting tumango. "I promise that you'll enjoy this trip..."

Ngayon araw kami aalis para sa outing. Excited na nga ako eh. Makakapagsaya ako at kasama pa si Seven.

Sumama kami pero hindi namin tinanggap ang libre ni Hyacinth. Nakakahiya man pero si Seven ang nag-insist na sumama kami at siya pa ang nagbayad.

Tatlong lingo na ang nakakaraan nang sabihin sa kanya ni Oliver ang magandang balita. Kinabukasan no'n ay pinuntahan niya 'ko dito sa bahay. At simula no'n ay naging ganito na ang pakikitungo niya sa'kin.

Maliwanag at masaya ang itsura niya no'n at hindi ko makakalimutan ang napakalawak niyang ngiti.

Hindi ko parin akalain na sa pagbukas ko ng pinto ay malawak na ngiti ang sasalubong sa'kin habang ang itsura ko naman ay magulo dahil sa paglalaba. Sabug sabog at 'di maayos ang pagkakaipit ng buhok ko, pawisan at medyo basa pa ang malaking kupas na T-shirt na suot ko. Nakakahiya talaga ang itsura ko samantalang siya ay sobrang tikas sa simpleng v-neck shirt at maong pants. Lalo na ang mga biloy niyang sobrang nadedepina sa bawat pagngiti niya.

Masaya daw siya at may magandang nangyari. Halata naman eh.

Sinabi niya sa'kin ang naganap nung nagtanong ako. Si Stephen pala ay assistant-slash-butler niya. Pumunta ito sa apartment niya para sunduin siya. Pwede na daw siyang bumalik sa bahay dahil nakuha na nila ang titolo.

Ang inisyal na plano ng ina niya ay patayuan ng hotel ang lupaing 'yon pero hindi na natuloy. Nagbago ang mga plano at aayusin nalang daw ang mga apartment na nakatirik sa lupain. Hindi parin mawala ang ngiti niya habang nagkwekwento.

Maging ako ay nagulat sa ganoong aura niya. Nakita ko na naman ang ibang bahagi ng pagkatao niya at sa tingin ko, ito ang pinakagusto ko sa lahat. Ang pagiging palangiti, maalahanin at malambing.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now