Chapter 14: Princess

16.4K 555 33
                                    

Mimi - Mikaela Mia Bermudez' pic on the multimedia.

Chapter 14

Laking tuwa ng nararamdaman ko nang matapos ang exam week. Nag-aral ako ng mabuti para 'don. Yung mga resulta ay sa susunod na linggo pa namin malalaman.

Wala namang masyadong nangyari sa eskwelahan maliban nalang sa nung sinabi ni Mr. Villegas na hahawakan niya ang section namin.

Kasi si Mrs. Tarnate na professor namin sa Speech and Public Speaking ay malapit nang mangabak. Nag-take siya ng advance leave at hanggang next sem na daw 'yon.

Bahay-trabaho lang ang gawain ko. Kapag may oras ako ay tumatambay lang ako sa bahay. Taong-bahay ako. Minsan niyayaya ako nila Mimi at Hyacinth na gumala pero tumatanggi ako.

Mas gusto ko talagang sa bahay nalang.

"Maro, c'mon. Sumama ka na."

"Kayo nalang, Mimi. May trabaho pa 'ko eh." Pagdadahilan ko.

"That's why we'll move it on Sunday. Alam naming off mo 'yon."

"Pero-"

"Maro..." Pagsingit ni Hyacinth. Makataas ang kilay niya't diretso ang tingin sa'kin. "Exam week's done. The results came out and you're one of the top. You should let yourself have at least a price or token of your hard work. Kaya 'wag ka nang magpalusot at tumanggi dahil kakaladgarin ka namin if needed. Kami nang bahala sa gagamitin mo and all you have to do is have fun. Okay?"

Wala na kong nagawa kung hindi ang pumayag. Wala na kong maisip na palusot eh. Susubukan ko nalang mag-enjoy hindi gaya ng huling punta ko 'don.

White Castle ang pangalan ng bar. Dito din kami galing n'on.

Nakaladlad ang halos hanggang bewang kong buhok. Nilagyan din nila ako ng konting make-up. Blush on, mascara at pink lipstick na katerno ng mga kuko ko. Hindi na ko nanghiram ng mga alahas. Baka mawala ko lang kasi. Mukang mamahalin pa naman.

Gawa sa madulas na tela ang suot ko. Manipis ang strap at round neck na medyo mababa. Hanggang itaas ang tuhod ko ang haba.

Hindi naman siya masikip pero hulma nito ang dibdib at bewang ko. Minsan inaangat ko 'to dahil pansin kong may mga lalaking tumitingin sa bandang dibdib ko.

"Dito nalang tayo." Tanaw ko ang nakaangat na kamay ni Mimi. Sinisenyasan niya kami.

Hinatak naman ako ni Hyacinth pero napatingin ako sa likod nang may maramdamang humaplos sa pwetan ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. Baka guni guni ko lang.

"Bakit parang ang daming tao ngayon?" Sabi ni Mimi at tumingin sa dance floor. Lumapit naman ang isang waiter sa'min matapos senyasan ni Hyacinth.

Ginaya ko si Mimi at tumingin sa paligid. Hinayaan naming si Hyacinth ang umorder.

Nang dumating ang inumin ay agad nila itong kinuha.

"Here, Maro. Hindi matapang 'yan. You'll like it."

Sinuri ko ang tinanggap kay Hyacinth. Mataas ang baso nito. Pink ang ilalim at puti sa ibabaw. Tinikman ko ito at sumipsip.

Hmmm... Ang sarap. Tama si Hyacinth. Hindi ko ganong malasahan ung alak. Though may mapait pero parang juice lang siya kaya nga nakalahati ko lang siya. Uhaw pa naman ako.

"Woah, slow down, girl." Natatawa at pasigaw na sabi ni Maro.

Ngumiti lang ako. Patuloy lang pagdating ng inumin. Iba iba ang iniinom nila pero ako yun lang. Masarap eh.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now