PROLOGUE

48.3K 884 34
                                    

⚫️⚫️🔘🔘

Hindi niyo na kailangang basahin yun story ng mother ni Seven. Wag niyo na ring intindihin ung mga comments tungkol sa WTIQT kung bagong readers kasi malilito lang kayo. ✌🏻️😃

EXPECT SLOW UPDATES. MAYBE ONCE A WEEK.

🔘🔘⚫️⚫️

PROLOGUE

Bwiset! Bwiset! Malalate na ko.

Inilagay ko ang kulay berdeng shoulder bag ko na nabili ko ng two-fifty lang sa palengke at nagmamadaling lumabas sa apartment na tinitirhan ko. Naningkit agad ang mga mata ko dahil sa sobrang init at liwanag na galing sa araw.

Alas syete palang ng umaga pero ang tindi na ng sikat ng araw. Iba na talaga ang panahon ngayon. Kung dati pwede mo pang singhutin ang malinis na hangin ngayon hindi na dahil kapag ginawa mo yon, maruming usok lang ang makukuha mo and probably TB.

Mabilis kong inayos ang pilipit kong pink, pencil cut skirt habang medyo tumatakbo ng may ingat dahil sa two-inched black shoes ko.

Kailangan kong magmadali dahil ayaw kong malate sa first day ng klase. Kakatransfer ko lang sa isang private university. It's a well-known university were students were recognized to have fine attitude and class. Maganda din daw ang paraan ng mga professor son pagdating sa pagtuturo at kumpleto daw ang facilities don. Kaya nga gusto ko ding mag-aral at kahit third year na ko ngayon, sinikap ko talagang mag-aral at magreview ng mabuti para makapasa sa scholarship nila.

Habang patakbo akong naglalakad ay naghahanap ako ng tricycle para mabilis akong makarating. Gusto ko sanang maglakad nalang papuntang sakayan ng jeep pero nagmamadali ako kaya ito ako ngayon, palngun lingon habang nagmamadali. Buti nalang may dumaan na tricycle.

"San tayo, hija?"

"Sa sakayan lang ng jeep manong."

"Dalawa na ba?" Biglang tumaas ang kilay ko sa nakangiting si manong driver na may dilaw at bungal na mga ngipin.

Anong dalawa? Eh hindi naman malayo ung sakayan. Grabe tong si manong driver. Sinasamantala ang pagmamadali ko.

"Sige na nga po."

Napabuntong hininga nalang ako at naiinis na napakamot ng batok. Kung hindi kalang nakakaawa manong. Naku ka! Matanda na kasi si Manong driver. Mga nasa late fifties na. Yung tipong mapag-iisip ka kung anong ginagawa ng mga anak niya at hinahayaan pang magtrabaho ang ganitong katanda na dapat nasa bahay nalang. Hay buhay!

Napatampal nalang ako sa noo habang bumabyahe dahil sa sobrang bagal ng takbo. Baka mas lalo pa kong malate nito eh.

Agad kong binigay sa kanya ung bayad at patakbo na namang pumunta sa sakayan ng jeep. Sinukbit kong maigi sa balikat ko ung strap ng bag ko at hinawakan itong mahigpit. Mahirap na baka biglang may humatak nito.

Kinalkal ko ung coin purse sa bag ko at kumuha ng pamasahe.

Hala! Nasa'n na yon?

Tinanggal ko lahat ng laman ng coin purse. Pati mga resibo natapon ko na pero hindi ko parin makita.

Bwiset! Asan na yung lima?

Ang alam ko ay sakto ung barya ko at isang libong buo nalang ang natitira sa'kin. Nakakahiya namang magbigay ng isang libo kung otso lang ang pamasahe diba.

Hindi bayad muna bago baba ang rules dito kung hindi bayad muna bago sakay kaya hanap parin ako ng hanap hanggang sa umurong na ang pila.

Nag-aalangan kong inabot ung isang libo sa tagasingil at pilit na ngumiti. Sinimangutan ako agad ni kuya at umismid.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now