Chapter 22

12.6K 408 26
                                    

Sa di kalayuan ay may tumawag din sa kanila. Humahangos ito at halata ang pagkainis. "Anong ginagawa niyo dito? I told you to not go outside the villa, didn't I?"

Saglit na tumingin si Mimi sa kanya bago sa'min. Si Hyacinth naman ay sa'min lang ang paningin.

Medyo madilim pero alam ko ang nagtataka at mapanghusgang tingin nila. Naramdaman ko ang paghigpit ni Seven ng hawak sa bewang ko. Noon ko lang napansin na nakakapit pa pala siya.

Lumayo ako bahagya pero mas lalo niya lang ako inilapit sa kanya. Napansin 'yon ng dalawa na mas lalong pinag-alala ko.

"I'm so sorry, Seven. I didn't know that-"

"I think you also didn't know how to follow a fvcking single instructions, Damian."

"Seven-"

"No outsiders allowed."

"Sandali!" Pagsingit ni Mimi. "Anong nangyayari, Damian? Bakit nandito sila Maro at Seven? Hindi ba sa'yo 'tong resort na 'to?"

"Mamaya nalang, Mimi."

Mas lalong remehistro ang pagtataka kay Mimi. Tinitigan ko ang lalake sa tabi niya. Siya ung pamilyar na lalaking sumundo sa amin.

Ngayong magkatabi sila ni Mimi, saka ko siya natandaan.

Yung lalaking kasayaw niya sa bar. Oo! Tama. Hindi ako nagkakamali. Siya nga 'yon.

Nagsimula nang magsilapitan ang ibang mga staff para tanungin siya. Pati ung mga musikero ay lumapit na din. Nagtataka sila kung tapos na daw ba na lalong ikinabahala ni Damian.

Nailang ako nang makitang nakatitig sa'kin si Hyacinth kaya napatingala ako kay Seven.

Kinabahan ako dahil sa itsura niya. Bumalik ung Seven na una kong nakilala at ang tingin na binabato niya kay Damian ay matatalas at malalamig.

Galit siya. Kitang kita 'yon.

"Seven..." Sabi ko kay Seven. "Balik na tayo..." Pagyaya ko.

"Shįt!" Narinig ata ni Damian ang sinabi ko dahil napatingin siya sa'kin. "I really am sorry, miss."

"O-okay lang."

Si Mimi ay panay ang tanong kay Damian pero hindi siya sinasagot. Ang mga staff ay natakayo lang bago sila sabihan ni Debbie na pwede nang bumalik.

Maya't maya ang pagtigas ng panga niya. Kinalabit ko siya.

"Tara na?" Lumabot at ekspresyon niya nang makita ako.

Umangat ang isang gilid ng labi na parang pilit ay may panghihinayang.

"Fine." Aniya at tinignan si Damian. "We need to talk, Mr. Jacobo."

Tumango ito. "Debbie, please escort them to the main villa."

"No." Malamig na pagtanggi ni Seven. "That's where she's staying and I want none of them there except for my girl."

Rinig ang malakas na pagsinghap ni Mimi. Napahawak siya sa braso ni Hyacinth na halatang gulat na gulat din at di makapaniwala. Nakaturo pa ang nanginginig na daliri ni Mimi sa'kin at kay Seven.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now