Chapter 6

15.9K 623 49
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa gym matapos magpalit ng damit. Kanina nagtry-out ako sa track and field at badminton. Opening na kasi para sa registration ng mga club.

Required sa mga scholar ang pumasok sa at least isang club. Sana nga lang makapasok ako. Ang dami kasing magagaling kanina. Sa track and field pangatlo lang ako pero sa tingin ko naman ay maganda ang ginawa ko at kung hindi naman ako makapasa, pwede naman sa volleyball magtry-out ulit. Kailangan ko lang malaman ung resulta bago ako sumubok ulit.

"Maro, How's everything? Did you do okay?" tanong ni Hyacinth habang nakatingin sa pocket mirror niya at nagreretouch. Katabi niya sa kabila si Mimi na nagtetext. Nakaupo kami sa bandang unahan.

Hinihingal akong umupo sa tabi niya. "Okay naman. Sana makapasa ako." Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao sa loob ng gym at try-out palang to para sa basketball team. Nakakagulat. "Nag-umpisa na ba?" tanong ko at binuksan ang bote ng tubig.

"Nope." Sumagot siya habang nilalagay ang make-up sa bag.

"Bakit ang daming tao? Try-out palang 'to ah." Tanong ko.

Humarap si Mimi. "Ganito talaga dito, gurl. Kala mo finals na lagi sa try-out. Mas lalo pang bumongga nung nagchampion sila last year sa intrams. Si Jax ang team captain pero karamihan ng points si Oliver ang nagbigay. He is really good at hindi ako magtataka kung karamihan dito siya ang hinihintay. Kaso lang kahit ga'no ka pa kagaling last year, kailangan parin nilang magtry-out."

Tumango ako at napatingin sa harap nang biglang napuno ng sigawan ang buong paligid. Dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa buong gym.

Isa isang pumasok ang mga player mula sa malaking pintuan sa gilid. Nauna si Jax na may hawak na bola kasunod si Renz. Nakangiti itong tumingin sa paligid. Kitang kita ang bilib nito sa sarili habang pinapatalbog ang bola kasabay ng hiyawan sa paligid. Tinapik ni Jeth ang balikat nito at lumapit sa coach.

Ang iba ang nagjo-jog din palapit pero ang mga mata ko ay may hinanap ng kusa. Ang alam ko magtry try-out din siya.

Limang araw na ang nakalipas simula nang tanungin niya 'ko. Kinakabahan parin ako pagnaiisip ko 'yon. Bumuntong hininga ako habang inaalala ang nangyari. Parang walang nangyari. Nakikita ko siya sa school pero hindi man lang niya ko tinatapunan ng tingin. Parang hindi niya ko kilala.

Humindi ako sa sagot niya. Hindi siya seryoso at nararamdaman ko 'yon. Halata naman. Isa pa, kung totoo man siya sa sinabi niya, tatanggi parin ako. Hindi ako naniniwala. Sino ba naman ang mahhulog agad sa kagaya ko ng ganong kabilis. Wala rin namang makikita sa'kin.

Hindi ako maganda. Plain lang ang itsura ko at ang tanging maganda lang sa'kin ay ang buhok kong itim, bagsak at mahaba. Hindi rin ako mayaman kagaya nila Hyacinth at Mimi.

Wala akong maipagmamalaki kaya bakit ako?

Ngumiti lang siya at tumango. Hindi nga ako sigurado kung ngiti 'yon dahil umangat lang ung gilid ng labi niya. Nailang ako pagkatapos non hanggang sunduin na siya ni Oliver pero bago siya umalis ay nagpasalamat siya at sinabing pag-isipan ko daw.

Sa tingin ko walang dapat pag-isipan.

Isa pa, nung oras na sinabi niyang isekreto ang lahat, may iba na talaga.

"Grabe ang gwapo ni Kuya."

"Sino dyan?"

"Yung number fourteen." Napatingin agad ako sa dalawang nag-uusap sa unahan namin. Ang numerong 'yon ang suot ni Seven.

Tumawa yung isa. "Yan kaya ung kanina ko pa tinitignan. Ano kayang pangalan niya?"

"They're freshmen." Bulong ni Hyacinth at umismid. "Mga bago lang ang hindi nakakakilala sa kanya."

The Good Between BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon