Chapter 4

15K 538 10
                                    

Naging maganda at mahaba ang tulog ko. Nakangiti pa nga ako nang magising. Napansin ko agad ang malamig na panahon at ingay na gawa ng ulan. Lumapit ako sa bintana at tinignan kung ga'no kalakas ito. Mas malakas pa 'to kesa kagabi.

Buti nalang sabado ngayon at walang pasok sa trabaho.

Nakauwi kaya siya ng maayos?

Umiling ako at pumunta sa kusina. Bakit ko ba iniisip kung nakauwi ng maayos yun. Malaki na siya.

Simple lang ang apartment ko. Isang kwarto, banyo, kusina at sala. Tama lang to para sa 3K per month. Cream ang kulay ng pader at ang kurtina ay kulay asul. Yung mga lamesa at upuan gawa sa kahoy. Hindi naman bago lahat. Halatang napaglumaan na ng dating tumitira dito. Kupas na din ung pintura pero sino ba naman ako para magreklamo, diba?

Itlog, tuyo at fried rice ang iluluto ko. Masarap ang tuyo lalo na pag agahan tapos ang sawsawan suka na mat sili. Natatakam tuloy ako habang niluluto ko yung tuyo.

Habang kumakain hindi ko maiwasang maalala ung nangyari kaninang madaling araw. Natatawa nalang ako.

Matapos kumain ay nanood lang ako ng TV. Wala namang magandang palabas kaya facebook nalang ang inatupag ko. Thank you free facebook.

May mangilan ngilan akong friend requests. My galing kay Mimi, Hyacinth at ibang mga kaklase namin. Inaccept kong lahat sila. Hinanap ko rin sa facebook si Maine at send ng friend request. Biglang nagpop sa screen ko ang pangalan ni Mimi dahil sa chat.

Mimi Bermudez

Maro, sa'n ka?

Marissa Rose Diva

Haus lang. Bakit?

Mimi Bermudez

I'm at the mall with bes. Punta ka rito. Nood tayong Avengers 2.

Nag-isip muna ko ng isasagot. Gusto kong manood pero nakakapanghinayang gumastos ng 200 pesos para don. Isa pa umuulan at wala nga pala akong payong. May nanghiram. Biglang may sumilay na ngiti sa'kin. Ayan na naman!

Marissa Rose Diva

Ang lakas ng ulan e tinatamad ako. Kwento niyo nalang sa Monday o kaya maghihintay nalang ako ng dvd sa palengke...hehehe

Mimi Bermudez

Asa ka...may bayad ang kwento namin...lol :D

Iniwan ko muna ung phone para manood ng TV. Malakas parin ang ulan at mukang matagal tagal pa bago 'to huminto.

Napatingin ulit ako sa phone ko. Nangangati ang mga kamay ko na mag search sa facebook. Hindi ako nakatiis at nag-browse na ko sa newsfeed.

Ti-nap ko ung search bar at nagtype.

Tap. Tap. Tap.

Seven...

Syete! Hindi ko alam ung surname niya. Ang daming Seven ang pangalan na lumabas. Si Oliver kaya? Ugh! Hindi ko rin pala alam.

Pakiramdam ko stalker ako habang naghahanap sa friend lists ng mga classmate ko. I-chat ko nalang kaya si Mimi at tanungin? O kaya si Maine. Online naman sila.

Pero nakakahiya.

Baka sabihin interesado ako kay Seven.

Interesado ka naman talaga!

Inihagis ko ang phone ko sa tabi ko at napaungol sa inis. Ano ba 'tong ginagawa ko? Nagiging stalker na talaga 'ko dahil sa mga pinaggagagawa ko. Kelangan kong iayos ang isip ko.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now