Chapter 32

12.8K 389 25
                                    

Ang lamig...

Umuulan na naman.

Ayokong lumabas pero may praktis kami ngayon ng badminton. Wala namang tournament pero may mga training kami kapag sabado.

Naghihintay ako ng masasakyan. Ang hirap sumakay ng jeep. Konti lang ang dumadaan at ang dami naming naghihintay.

Sumiksik ako sa pinakadulo ng jeep. Nagtatalsikan ang mga tubig galing sa mga payong sa pagtupi.

Laking ginhawa ko nang makarating ng campus. Dumiretso ako sa gym.

"Late ka na. Nag pairing na kami kanina." Nilingon ko ang paligid.

Oo nga. Tama si Ralph. Ako nalang ang kulang sa'min at nagsisimula na silang mag praktis.

"Pasensya na... Hindi kasi ako nakasakay agad."

"Okay lang 'yon. Everyone's starting. Ako nalang ang partner mo. Magpalit ka na ng damit. Kukunin ko lang yung raketa."

Tumango ako at nagpasalamat.

Tumalikod siya at umalis. Pumunta ako sa CR para magpalit ng damit. Simpleng T-shirt, cycling shorts at rubber shoes.

Nakangiti si Ralph habang mabagal na tumatakbo palapit. Inabot niya ang isang raketa. Tinanggap ko ito at nagpunta na kami sa court matapos ng konting stretching.

Nag-ipit ako ng buhok at pumusisyon.

Tagaktak ang pawis ko nang matapos kami. Guminhawa ang pakiramdan ko. Feeling ko ang dami ko pang energy kahit na nakakapagod ang praktis namin.

Inumpisahan namin sa singles game tapos double. Papalit palit kami ng partner kanina. Lumapit ako sa gamit ako at kumuha ng bimpo.

Sinamahan ko ang mga ka-team ko. Naka-upo kami sa sahig habang nagsasalita si Ralph ng mga updates. Mga detalye ng praktis at mga dapat iimprove.

Sakin ung grip sa raketa. Makakatulong daw 'to pandagdag pwersa. Mahina daw kasi ang smash ko.

Kinalkal ko ang bag pack ko pero hindi ko makita.

"Asan na 'yon? Syete, naiwan ko 'ata."

Biglang naharangan ang paningin ko ng isang bottled water. Napatingin ako kay Ralph.

"Here. Sa'yo na'yan. Extra kong dala 'yan."

"Salamat." Sinuklian ko ang ngiti niya at tinanggap ito. "Lagi ka bang may dalang ekstrang tubig?"

Natatawa kong tanong matapos uminom. Naalala ko kasi yung dating oras na binigyan niya 'ko ng tubig nung sem break trip.

Natawa siya. "Hindi naman. Nagkataon lang na laging wala kang dalang tubig kapag may ekstra ako."

"Gano'n ba? Mabuti nalang pala at lagi akong uhaw kapag may dala ka."

Nagkwentuhan at nagtawanan kami saglit bago bumalik sa pagpra-praktis. Matapos ng isang oras at mahigit ay papauwi na kami.

"Malakas pa kaya ang ulan sa labas?" Tanong ko kay Ralph. Kulob kasi ang gym kaya hindi namin alam kung ano ang panahon sa labas.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now