Chapter 35

12.3K 346 24
                                    

Tinawagan ko sina mama kanina bago pumasok. Ang sabi ko uuwi ako sa sem break. Napagdesisyunan ko na do'n nalang sabihin. Mas maganda kung personal.

Ilang linggo nalang naman at ilang linggo lang din ang nakakalipas simula nang isuot sa'kin ni Seven ang singsing na 'to.

Lagi akong napapangiti kapag tinitignan ito. Gusto kong magtitili at magtatalon sa tuwa kapag naaalala 'yon. Hindi ko parin talaga ma-absorb na ako, isang babaeng walang ipagmamalaki ay nagustuhan ng isang lalaking gaya ni Seven. Ito yung sinasabing too good to be true.

Gusto kong sabihin na may mas bagay sa kanya pero gusto kong maging makasarili. Sumasakit ang dibdib ko kapag naiisip na may ibang mas bagay sa kanya kaya tinanggal ko ito sa isipan ko. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa singsing.

"Oh my freaking gosh! Is that what I think it is?" Nagulat ako sa pasigaw na sabi ni Mimi. Nakaturo ito sa singsing.

"Ano ka ba? Ilang beses ko nang pinakita 'to sa'yo diba? Tsaka 'wag kang maingay baka may makarinig sa'yo."

Pabulong na sabi ko. Sikreto lang muna kasi ang engagement namin ni Seven. Ayon kay tita, mas maganda daw muna 'yon dahil kakapasa lang kay niya kay Seven ang posisyon niya sa kumpanya. Kapag nalaman ng media ay baka pagkaguluhan daw ako. Para sa'kin daw naman 'yon at tama kayo sa nabasa. Tita na ang tawag ko kay Miss Rainne. Naiilang parin ako pero siya na mismo ang nagsabi na gano'n ang itawag ko.

"Baliw hindi 'yang singsing mo." Umikot ang mga mata ni Mimi. "Iyang nasa leeg mo. Is that a hickey?"

Hinwakan ko at kinapa ang tinuturo niya sa aking leeg. Kumuha siya ng salamin sa bag at tinapat sa'kin. Napasighap ako sa gulat.

Syete! Bakit di ko napansin 'to kanina. Nakakahiya!

"Wow lang, ah. Tatlo pa." Natawa siya. Namula ako at pilit na tinatakpan ito ng buhok. Pumasok sa isip ko ang ginawa namin ni Seven kagabi. Syete talaga!

"Pa'no ko tatakpan 'to?" May pagkataranta kong sabi.

"Baliw! Bakit mo tatakpan. Alam mo, we are not children anymore. Normal na 'yan sa panahon ngayon. Ikaw, ah. Sabihin mo nga sa'kin. May nangyari na ba sa inyo? Did you two already did it?"

Tumaas baba ang mga kilay niya. Napanganga ako sa gulat. "W—wala..." Grabe! Pa'no niya ko natanong ng gano'n?

"Wala? Then what's that? Meaning pinapak ka lang niya kagabi? Ano ka ba? 'Wag ka nang umarteng ganyan. Ako nga di na virgin eh."

"Ano ba!" Pasinghap kong sabi. "Hindi ko na kailangang malaman 'yon at di mo na kailangang sabihin ang pinaggagawa niyo ni Damian."

Umiling siya. "Okay lang naman. Pero kung ako sa'yo, 'wag mong bitinin lagi si Seven. Baka maghanap 'yan ng iba. Hindi ko naman sinasabi na babaero siya o pagdudahan mo ang pagmamahal niya it's just that men are designed like that. They couldn't control their libido sometimes and if they couldn't get that to one, they hop to another."

"Hindi gano'n si, Seven." Sabi ko sa naiinis na tono.

"Sorry, Maro. Sinabi ko lang ang pinaniniwalaan ko." Kita ko ang pagsisisi sa boses at mga mata niya.

Ngumiti ako bahagya. "Okay lang."

Hindi gano'n si Seven. May mga pagkakataon na muntik na kaming lumagpas sa limitasyon pero napipigilan naman namin. Kagaya nalang kagabi sa apartment ko. Ang sabi ni Seven ay handa siyang maghintay. Iginagalang niya ang gusto ko. Lalo ko siyang minahal dahil do'n.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now