Chapter 48

10.6K 381 26
                                    

Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero halata ang frustration kay Hyacinth. Si Seven naman ay kalmado lang pero kilala ko siya. Alam kong naiinis na ito.

Nakita kong umilaw ang sasakyan ni Seven. Binuksan niya ang pinto sa passenger seat at pinasakay siya pero nanatiling nakatayo ito sa harap ng sasakyan. Nakahalukipkip.

"Get in the car." Diretsong utos ni Seven. Agad naman akong nagtago sa likod ng sasakyan, katabi ng kay Seven.

"Tell her o ako ang magsasabi."

"Shut up and get in the car."

"Ang akala mo ba hindi siya magagalit, huh?"

"She'll understand." Napakagat ako ng labi. Alam kong ako ang pinag uusapan nila. Halata ko.

"She's not that saint. Lalo mo lang pinapasama ang lahat."

"If she would, I'll make sure that she won't get mad at you. Don't worry." Syete! Ang sakit na talaga. Pinoprotektahan niya si Hyacinth... at ang masama ay laban sa'kin. Gusto kong tumawa dahil sa'kin pa talaga!

"Worry? Tsk! I won't stop worrying hanggang hindi mo siya naiaalis sa unit mo. Get her out."

"I said I'll handle it. Get.in."

Unti unti akong nanghina at napaupo. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Tinakpan ko ang aking bibig. Ang mga hikbi ko ay humalo sa tunog ng papaalis niyang sasakyan.

Gano'n ba 'yon? Gano'n ba ang plano nila sa'kin? Wala na talaga. Gusto ni Seven na paalisin na 'ko. Syete naman!

Minahal ko siya ng sobra tapos papalayasin lang pala ako sa huli. Si Hyacinth, lagi ko siyang iniintindi. Tinuring ko siyang kaibigan pero ganyan ang gagawin niya sa'kin. Magsama sila!

May naaninag akong ilaw ng paparating na sasakyan. Nagpunas ako ng mga luha at tumayo. Ayoko na! Ayoko nang umiyak. Ayoko na ng sakit! Sobra na lahat ng nakuha ko sa kanila. Hindi ko na kaya.

Pinilit ko ang mga nanginginig kong tuhod para humakbang. Mabilis ang paglakad ko habang iniiwasan ang mga taong nakakasalubong.

Ayaw kong makita nila akong ganito. Kaaawaan nila ko.

Pumara at sumakay ako ng taxi.

"Sa'n tayo, miss."

Basta ko nalang sinabi ang destinasyon. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero tama bang ipagsiksikan ko pa ang sarili ko do'n gayong alam kong ayaw na niya ko don?

Hindi ako tanga. Alam ko kung kailan ako kailangan at hindi.

"Pakibigyan ako ng hard..."

"Sigurado ka ba, Miss?"

"Bakit? Mali ba ang sinabi ko?" Pailing iling nang nakangiti ang bar tender na hiningan ko ng alak. At Least may isang taong natutuwa at nandito ako.

"Delikado ka dito. Good luck." Hindi ko alam kung tungkol sa inumin ang tinutukoy niya o dahil sa nakakahilong lugar na 'to.

Hindi ko naman first time dito pero first time kong pumunta ng mag-isa. First time ko ding umorder ng inumin dahil may gumagawa para sa'kin no'n dati.

Inis ang naramdaman ko nang maalala si Hyacinth. Yun ang nagudyok sa'kin na tunggain ng isang lagukan ang alak nasa harap ko.

Napangiwi ako. Ang sakit sa lalamunan. Ahh! Ganito ba 'yong hard na alak. Ang pait pa!

Nakarinig ako ng tawa. Nakita ko ung bar tender na tuwang tuwa sa itsura ko. Tumalikod ito saglit tapos may binigay ulit pag harap.

"This one's on me. Pinatawa mo kasi ako."

"S-Salamat..." Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Ang weird niya.

Sa gitna ng nakakabinging ingay ng paligid ay narinig ko parin ang pagtunog ng phone ko. Si Seven ang rumehistro sa screen.

Dumaan na naman ang pait at sakit sa dibdib ko. Anong kailangan niya? May dapat nga kaming pag-usapan pero hindi pa ngayon. Kailangan ko muna ng lakas ng loob. Kailangan ko muna ng alak.

"Nice one! Wooo!" Humihiyaw nitong sabi matapos kong inumin ang isa pa. "This one. I-try mo."

"Para sa'n to?" Ano bang gagawin dito sa lemon at asin?

"Ganito 'yan..."

Sinabi niya sa'kin ang gagawin. Game na game naman akong subukan ito. Marami naring tao sa paligid ko habang tumatagal. Kung anu-ano ang pinaunom niya sa'kin. Iba't ibang kulay. Iba't ibang lasa.

Hiyawan, tawanan at papuri ang mga sinisigaw nila sa'kin. Hindi ko alam kung dahil ba sa ingay nila kung bakit nahihilo na 'ko.

"Mix it all for her. It's on me." Narinig ko sa gilid ko.

"T—tubig..." pilit kong sinasabi. Ang init ng lalamunan ko. Ano ba 'to?

"Oh, tubig daw... Here's your water, Miss." Hindi ko alam kung sinong nag-abot basta tumawa sila pagtanggap ko.

Pilit na sumasarado ang mga mata ko. Ang alam ko puti ang tubig diba? Bakit parang kulay green 'to? Tinignan ko itong mabuti. Ay hindi. Puti pala talaga.

Akmang iinumin ko na nang may humawak sa kamay at kinuha ang baso. Hindi! Syete naman... nauuhaw na 'ko.

Hindi ko naman ininom, ah. Bakit ang ingay parin nila at sumisigaw?

Ang gulo. Wala akong makila. Malabo ang lahat. Kahit ilang beses kong piliting dumilat ay bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.

Ang bigat. Pati katawan ko ang bigat.

Inaantok na 'ko. Ang sarap ng pakiramdam ng pisngi ko sa lamig ng counter. Dito nalang ako matutulog.

"Kevin, a-ano ba!? Anong bang p-problema mo?" Kevin? Sino 'yon?

"Sorry, brad. New assignment. Nagkamali kayo ng pinagtripan..."

Kawawa naman ung bar tender. Mukang inaaway siya nung Kevin. Nakasakal ung braso nung Kevin ata? Kevin ba ung narinig ko? Baka Jane?

"H-hi... Jane!" Tinaas ko ang kamay ko para kumaway kaso biglang bumagsak. Pagud na rin ata ang braso ko.

"Tss. Pasaway."

Umiikot ang buong paligid. May kung anong himahalukay sa tyan ko. Gutom ba 'ko? Syete ang init!

Syete? Bakit parang sumakit ang puso ko sa numerong 'yon.

Kasi kasunod siya ng six!

Oo nga no. Sayang ang eight 'pag walang seven.

Umangat ang katawan ko sa lupa. Wow! Lumilipad ako patihaya. Lumulutang ako. Ang saya. Baka dinalaw ako ni Peter Pan.

"I dyu be-lieve in fawries! I do!" Nakakita ako ng ilaw. Si Tinkerbell 'yon! Pagyuko ko nakita ko si Peter Pan. Buhat niya 'ko.

Napangiti ako. Pupunta kaming Neverland. Tapos aalagaan ko ang seven dwarves. Kaso inaantok na 'ko. Bukas na lang.

Nagising ako pero mabigat parin ang katawan ko. Mukang nakahiga ako sa magandang kama dahil sa lambot na nararamdaman ko sa likod ko. Nakarinig ako ng mga boses kaya unti unti kong dinilat ang aking mga mata.

"Thanks."

"You're not yet paid and no matter what happens, I'll make sure I'll get my end of the bargain."

Hindi ko na nakita kung sino 'yon dahil lumabas na siya. Papikit pikit pa 'ko. Parang kinuha lahat ng lakas ko.

Ano bang nangyari?

Alam kong may isa pang tao dito sa loob. Slacks nalang ang nakita ko nang tumayo siya sa gilid ng kama. Kahit gusto kong gumalaw ay di ko kaya. Sa huli ay tuluyan na 'kong pumikit pero ramdam ko ang maingat niyang paghaplos ng mukha ko.

"Why did you do that, princess?"

Lungkot at pag aalala ang dala ng boses niya. Hinila na ako ng tuluyan ng antok. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita an mga mata niya.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now