Chapter 40

11.9K 377 21
                                    

Kanina ko pa hinihintay si mama. Pumunta siya sa bahay nila tita para kumuha ng mahihiram na gamit. Andito kasi kami sa Negros at hindi sa lugar namin sa Cebu. Ang sabi kasi nila mama ay pumunta sila dito dahil kaarawan ng asawa ni tita.

Kagaya ng laging nakagawian, nag-inuman sila at humantong sa ganito ang kalagayan ni tatay. Ang sabi rin ni mama ay umawat lang siya sa away ng dalawang bisita do'n pero siya ang sinaksak.

Nagtamo siya ng dalawang saksak sa tyan, isa sa balikat at meron pang mga galos.

Nang una ko siyang makita ay agad akong napaiyak. Awang awa ako sa tatay ko. Wala siyang malay at nakaratay sa kama ng ospital. Kaninang madaling araw lang ako dumating at hindi pa 'ko umaalis sa tabi niya.

Mahaba ang byahe pero hindi ko alintana ang pagod. Mas mahalagang makita ko ang tatay.

Bumakas ang pinto at dumating si mama. Pinauwi niya muna ang mga kapatid ko. Do'n kami pansamantalang tutuloy sa bahay nila tita habang nagpapagaling si tatay. Hindi naman ga'no kalakihan ang bahay nila pero kasya kami sa isang kwarto.

"Maro, magpahinga ka muna. Alam ko pagod ka sa byahe." Sumulyap ako kay mama saglit. Nilagay niya ang mga dala dalang paper bag sa maliit na lamesa.

"Okay lang po ako, mama."

"Anong okay? Sige na, anak magpahinga ka muna. Andito na naman ako. Ako na ang magbabantay sa tatay mo."

Hinawakan ni mama ang balikat ako. Tiningala ko siya. "Kung ayaw mo talagang umalis, do'n ka nalang matulog." Tukoy ni mama sa mahabang mono block chair.

Kinusot ko ang aking mata at tumayo. Inaantok na rin ako kaya sumunod nalang ako. Ginawa kong unan ung back pack na dala dala ko. Puro ito damit kaya malambot.

Nagising ako dahil sa ingay. May nagtatawanan tapos may sumaway sa kanila na ang hula ko ay si mama.

"Ang ingay niyo kasi. Nagising tuloy ang ate niyo."

Kumpleto kami ngayon. Si Jonas, Demi at Anton kasama sina mama at tatay.

"Hi, ate!" Napangiti ako kay Demi at tinignan sila.

Hindi ko na matandaan kung kelan kami huling nakumpleto. Ang tagal na rin.

Dahan dahan akong umupo at kinusot ang mga mata. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message si Seven. Hindi ko pa pala nasasabi na umalis ako. Mamayang gabi siya dadating.

Nagreply ako sa text niya at sinabing umuwi muna ako. Hindi ko na sinabi ang tungkol kay papa.

"Kumain ka muna, anak." Sabi ni mama. "Abot mo nga 'to sa ate mo, Demi."

Kinuha ni Demi ang paper plate na may kanin at ulam tapos binigay sa'kin.

"Ate, oh."

"Salamat. May charger ba kayong dala?" Kailangan ko nang mag charge. 10 percent nalang ang battery ng phone ko.

"Wala akong dala, eh. Kuya Jonas may charger ka daw ba?"

"Wala. Mamaya nalang ate. Padala natin kay tita pag pumunta siya dito."

"Diba sabi ko 'wag kayong maingay. Demi ung bunganga mo." Suway ni mama na hindi siya pinansin. "Anton! 'Wag mong lantakan 'yang grapes. Magtira ka!"

Tumawa lang si Anton at kumuha pa kaya tinapik ni mama ang kamay niya.

Sumubo ako at tinanong kay mama kung anong oras pupunta sina tita. Mamayang bandang hapon pa daw. Siguradong hindi ako nakakapagreply kay Seven. Nagtry akong mag text pero bigla itong namatay. May sakit na kasi sa battery 'to eh. Namamatay agad pag 6 percent nalang.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now