Chapter 28

12.6K 440 32
                                    



-------

Yes! Natapos ko din. Tinignan ko ang tapos na project ko at inilagay na sa bag para bukas. Buti nalang umabot ako. Kala ko hindi dahil sa...

Ayokong isipin. Hindi ko alam kung nakakainis o nakakahiya. Basta!

Nakilala ko si Stephen no'ng araw na 'yon. Isang matangkad na lalaki na mukang nasa thirties na. Pormal itong manamit, kumilos at magsalita.  Pumunta siya para dalhin ung laptop ni Seven.

Hindi niya sa'kin pinahiram dahil binigay niya na 'yon sa'kin. Ayoko ngang tanggapin kaso mapilit siya.

Pinanakot niya sa'kin na hahalikan ulit ako 'pag di ko tinanggap. Ako naman si tanggap kasi naunahan ng kaba. 

Sinundo ako ni Seven kinabukasan. Nakatayo siya at nakasandal sa pintuan habang may kausap sa cell phone.

"Magandang umaga!" Masiglang bati ko. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Tinapos niya agad ang tawag at sumakay ako ng pagbuksan ako nito ng pinto. Chineck ko ang folder ng project ko sa bag habang hinihintay siya.

Rinig ko ang pagsarado ng pinto niya. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hinapit ang leeg ko palapit at halikan ako.

Agad din akong nakabawi at tinugon ang mga halik niya. Hindi ko alam kung gano ito katagal o kabilis basta ang alam ko lang ay nakakawala ito ng lakas pero mas lalong gumanda ang pakiramdan ko.

"Good morning, my princess." Kinilabutan ako sa bati niya gamit ang baritonong boses. Ngumiti ito at dinampian muli ang mga labi mo pero hindi ito kagaya ng kanina na agad niyang tinapos.

Hawak niya ang kamay ko habang nagdri-drive at nakangiti. Tumingin ako sa bintana para itago ang sobrang pamumula ng mukha ko, inaalala ang nangyari kanina. Umpisa palang ng araw ko, maganda na. Gumapang ang ngiti sa mga labi ko.

Magkahawak kaming pumasok sa classroom at kahit na makaupo kami ay hindi namin binitawan ang isa't isa. Gaya ng dati, wala na naman sa hanay ang upuan niya dahil inurong niya ito.

"Aga aga ang sweet. Nakakainggit naman." Sabi ni Mimi.

Nahihiya akong ngumiti pero deadma lang si Seven. "Did you finish your report, Maro." Dagdad niya pa.

"Oo. Nahabol ko."

"Mabuti naman. Naku! Nambabagsak pa naman si Sir Miralla. Ui, bes."

Tumayo si Mimi dahil sa upuan siya ni Hyacinth nakaupo. Lumipat siya sa kaharap na upuan.

Inilapag niya ang gamit sa lamesa kasama ang isang sliding folder na hula ko ay report niya. Nagkwentuhan kami habang si Seven ay pinaglalaruan ang mga daliri ko.

After lunch lang ang deadline ni sir para sa submission. No extensions. No other conditions. 'Yan ang sabi niya kaya noong mag-lunch ay ipapasa na namin ang report namin.

"Kita nalang tayo sa cafeteria. Save niyo kaming upuan." Paalala ko sa kanila.

Si Seven kasi nag-CR pa kaya hinihintay ko. Lumabas ako para abangan siya. Inakbayan niya agad ako at iginaya akong maglakad.

"Sa forest nalang tayo. Stephen made something for us." Sabi niya at binulsa ang phone.

"Ha? Sabi ko kasi sa kanila sasabay tayo, eh."

The Good Between BadWhere stories live. Discover now