Chapter 46

11.1K 368 49
                                    

Napatingin ako sa orasan. Mag aalas dose na pero hindi pa din siya bumabalik. Ang sabi niya kaninang umaga uuwi siya ngayon at dito maghahapunan pero nasa'n na siya?

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang nasa lamesa. Wala na. Malamig na ang mga pagkain. Gutom na 'ko pero nawalan ako ng gana.

Nagsimula na kong iligpit ang mga ito. Napahinto ako nang may isang takas na luhang tumulo mula sa'kin.

Pinahid ko 'yon. Sa ginawa kong 'yon ay parang naubos lahat ng lakas ko. Napaupo ako at sunud sunod na tumulo ang luha ko.

Ilang bwan na bang ganito? Magdadalawa na.

Dalawang bwan lang pero parang ilang taon nang malamig sa'kin si Seven.

Akala ko mabigat na ung panahong lumantad si Eloise sa media. Nawala siyang bigla kasama ni Miss Naomi. Hindi na nga umattend ng graduation si ma'am. Nawala ang issue dahil napatungan ng mas malaking balita. Parang tungkol sa politician na drug syndicate. Ewan! Hindi ko na matandaan.

Kinabukasan ay hindi ko siya nabugaran sa tabi ko. Kailan ba nung gumising akong katabi siya? Last week o last month? Ewan ko...

Matamlay akong pumunta sa hapag. Alam ko namang may pagkain na do'n. Laging si Apple ang naghahanda. Nawalan na rin kasi ako ng ganang ipaghanda ng agahan si Seven.

Umuuwi siya ng gabi at maagang umaalis.

May nagawa ba kong mali? Ayaw na ba niya sa'kin?

Sa t'wing tinatanong ko kasi siya ay hindi niya ko sinasagot. Oo, sinasabi niyang mahal niya 'ko pero bakit di ko maramdaman?

Minsan iniisip ko kung mahal pa ba niya 'ko. Kahit katiting... o baka wala na talaga.

Napahinto ako nang makita siya. Yes! Naabutan ko din siya sa wakas!

Nakabihis na ito at may kausap sa telepono. Paalis na 'ata. Nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko may pag-asa pa.

"Let's meet on lunch. Nag pa reserve na 'ko... Yes. Few more days, Hyacinth..."

Ang pagtangka kong lapitan siya ay di ko na nagawa. Ang ngiti ko ay unti unting nawala. Tama ba ang rinig kong si Hyacinth ang kausap niya? Nagkikita sila no'n pa?

Alam ko naging maayos sila nang itinigil ni Seven ang panggigipit sa pamilya nito. Ako pa nga ang nakiusap kay Seven na magusap sila. 

Madalang ko na siyang makita simula ng grumaduate kami. Si Mimi lagi ang kasama ko kapag lumalabas. Pero si Seven at siya?

Isa pa, nag-aaaral pa ko para sa abugasya. Ang alam ko sila hindi na at may kanya kanya nang trabaho. Kinuha niya na ang case niya at paalis na.

"Seven..." Hindi ko napigilang sambit. Nakakainis ka Maro! Sana di mo na tinawag. Agad itong napaharap na parang estudyanteng nahuling nangungopya.

"Where you there the whole time?" Umiling ako.

"I-Ingat ka." pilit akong ngumiti sa kanya. Nagpapanggap na walang narinig. Nagpapanggap na walang masakit sa dibdib ko.

Lumapit siya at bahagyang humalik. Sinalubong ko ang tingin niya matapos. Tinatangkang may mabasa sa mga 'yon pero bigo ako. Blangko at malamig. Napagtanto ko, ngayon lang, na ayaw ko ng mga tinging 'yon. Na para bang wala siyang nararamdaman na kung ano sa'kin.

Naisip niya bang naghintay ako sa kanya kagabi?

Marahil hindi. Hindi naman na siya nagtanong, eh.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now