Chapter 27

13K 477 37
                                    

"Natapos mo na ung report kay Sir Miralla?" Tanong ni Mimi habang nag-aayos ng gamit at naghahandang umalis. Gano'n din ang ginagawa ko. Nang matapos ako ay pinatong ko ang paa ko sa kaharap na upuan at tinignan ang makinang na anklet ko.

"Hindi pa pero tansya ko aabot naman ako sa deadline. Ikaw ba, Mimi."

"Malapit na. Yung last part nalang ang kulang ko. Ikaw, bes?"

"Same."

"Hanga din ako sa'yo, bes. You always go enjoying yourself outside yet, you have time to do these stressful homeworks and reports. Anong sikreto mo?"

"Of course..." Nakangiti niyang sabi bago isukbit ang bag sa balikat. "Magaling ako sa time management. I can balance everything properly." Pagmamalaki niya.

Inismiran siya ni Mimi. "Yabang, ah. Ikaw na nga."

Hindi ko napigilang tumawa tapos may naalala pala ako. "Mauna na 'ko, ah. Tatapusin ko pa ung report."

Kumaway ako at umalis pero hindi ako nakaligtas sa sigaw pang-aasar ni Mimi. "Sabihin mo! May date lang kayo ni Seven ulit eh."

Nag-init ang mukha ko pero sumagot ako pabalik. "Wala."

Tumatawa pa 'ko habang tumatakbo. Kailangan ko kasing dumaan pa sa badminton club dahil bigayan ng uniform.

May laban kami next month at kailangang magpraktis. Nagpaalam naman ako na baka minsan hindi ako makasama. Pumayag naman sila. Sobrang bait talaga ni Ralph.

Nakasalubong ko sa pasilyo si Oliver. Muntik ko pang mabunggo ito dahil sa pagmamadali.

"Bakit ka nagmamadali, Maro?" Tanong niya. "Be careful not to trip or hurt yourself. Baka may magwala..."

Narinig ko ung tanong at babala pero hindi ung huling sinabi nito. "Pasensya na, Oliver. Kukuha pa kasi ako ng jersey uniform tapos isusulat ko pa ung report ko."

"Isusulat?"

"Ah—eh k—kasi..." Napakamot ako sa pisngi sa hiya. "Wala kasi akong c—computer. Magre-rent pa 'ko tapos ity-type ko pa."

"You don't have a laptop?"

Napangiti ako dahil hindi siya makapaniwala. Sino ba namang walang laptop o computer na nag-aaral sa DeRizanto? Siyempre ako.

Sa computer shop lang ako gumagawa ng mga projects simula pa noon. Minsan nga pag wala akong pang rent, handwriting nalang pero no'ng elementary at highschool lang.

Iba kasi kapag college ka na, eh.

"Sige, Oliver. Una na 'ko."

Sumaglit lang talaga ako sa club room. Kinuha ko lang ung uniform. Inin-form din ako ni Ralph na may praktis kami sa friday, after school hours.

Nasa isip ko parin ung report ko. Masyado pa namang istrikto si Mr. Miralla. Hindi siya nagbibigay ng extension sa deadline.

Hindi ko classmate si Seven sa last subject. Nakuha niya na kasi 'to nung unang dumating siya sa DeRizanto.

Iniisip ko rin kung dapat ba 'kong umabsent mamaya sa trabaho para dito. Dalawang araw nalang pasahan na nito at parang kalahati palang ang natapos ko. Na-type ko na rin ung iba. Ipapa-print ko nalang kaso kailangan ko pang magsulat.

The Good Between BadKde žijí příběhy. Začni objevovat