Chapter 2

18.8K 636 37
                                    

Napaaga ang gising ko kaya napaaga din ang pasok ko sa uni. Pahikab hikab pa kong pumasok sa room at nagulat ako nang makitang halos kumpleto na kami sa klase.

Wow! Iba talaga tong university. Halos isang oras akong maaga tapos ang dami pang nauna sa'kin. Mukang mahihirapan akong kunin ang top rank dito ah. Ang nakakatawa lang, wala akong balak maging top student. Gusto ko lang nakatapos at maging abogado. At saka alam kong hindi kaya ng utak ko 'yon. Haha!

"Good morning, Maro." Nakangiting bati ni Hyacinth na nakaupo. Binalik niya ang paningin sa salamin na hawak.

Ngumiti rin ako. "Good morning din, Hyacinth. Wala pa si Mimi?" Inilapag ko ang bag sa arm desk at umupo.

"Hay naku. Don't expect her to be early like this. Buzzer beater un eh"

Nag-usap kami at nagtanungan pa kung naumpisahan na namin ung mga reports na pinapasubmit next week. Oo nga pala. Hindi pa ko nakakapagsimula. Kailangan ko nang umpisahan yon lalo pa't at least thirty pages ung isa.

"Bes! Maro!" Napatingin kami sa pinto kung saan nanggagaling ung sumigaw.

Nagmamadaling lumapit si Mimi. Mukha siyang tumakbo papasok ng school dahil hingal na hingal ito. Naghila pa ito ng upuan palapit kay Hyacinth at umupo.

"Oh my goodness, bes. Ang aga mo ngayon. This is a miracle."

Pinaikot niya ang paningin at humugot ng isang malalim na hininga.

"May tsika ako."

"Ang aga aga tsismis agad." sarkastikong sabi ni Hyacinth.

"Makinig ka muna kasi." sabay hampas niya sa balikat nito. Natawa ako. "Nakita ko siya! Nakita ko siya."

"Sino naman yan?"

"Si Seven." agad na nayamot ang itsura ni Hyacinth. Ako naman biglang naging attentive. Hindi ko alam pero kapag nababanggit ang pangalan niya, parang may humihila sa tenga ko at sinasabing makinig ako ng mabuti.

"Bakit? Anong ginawa?" Mabilis kong tanong. Ngumiti ito ng nakakaloko at tinignan kaming pareho.

"Oh please. Kung kagaya lang rin to ng iba gaya ng nanggulpi siya o nanggulo, what's new?"

"Hindi. 'Cause this time it's big. A revelation."

"Bes, if you keep hanging us like this, tatamaan ka sa'kin."

She giggled while Hyacinth glared at her. "Fine. Ito na." Tinukod niya ang mga siko sa arm desk at lumapit. Hindi ko namalayan na lumapit din ako. "I saw him with an older lady."

"Tss. that's it?"

"Hindi dahil iba to. Binisita ko ung uncle ko tapos nakita ko siya. Bigla niyang niyakap ung babae and it wasn't like a normal hug. Parang sabik na sabik siya don sa babae. Hinalikan pa niya sa pisngi tapos ngumiti siya, bes. My God!! He has dimples pala." She shrieked.

Oo alam kong may dimples siya dahil nangitian niya na ko non eh. Napangiti ako nang maalala yun.

"Wait. Diba dati natsismis din na pumapatol sa matandang babae itong si Seven just to get through every school year. Baka ito 'yon. Yuck!" Nagtaas baba lang ang balikat niya.

Bumagsak ang balikat ko. Nadismaya ako sa kwento niya pero di ko alam kung bakit. Parang gusto kong lumabas at magpahangin kesa ang makinig sa mga sasabihin niya.

"Sigurado ka bang matanda 'yon? Baka naman family member?" Tanong ko.

"Maro, that lady screamed fashion, sophistication and money. Hindi ko nakita mukha niya pero aura palang alam mo nang milyonarya. Ay hindi, bilyonarya pala and I doubt na family member siya. He kissed her and held her hand tight like he did not want to let go. Naka shades ung babae pero alam kong mas matanda 'yon. At ito pa..." Lumapit ulit siya at bumulong. "Pumasok sila sa Skyway Heights."

The Good Between BadWhere stories live. Discover now