E P I S O D E 2 6 - B U T I

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sigurado ka ba? Magkaibigan lang ba talaga kayo?" hindi parin sumusuko si Alesia at patuloy sa pagtatanong na akala mo si Papa. Tumango ako, kinukumbinsi siya. "Kaibigan lang ba tingin mo sa kaniya?" dagdag niya.

"Oo" mabilis kong sagot, sinamahan ko pa nang tango. Antok na talaga ako.

"Sige, ikaw na Shana" baling niya kay Shana na tinanguan pa ito na tila binibigyan ng permiso upang magsalita. Nilingon ko ito.

"Akala ko kasi may something na kayo eh, nakita ko siya kasama si Clara eh, kapatid ni Andson. Parang may girlfriend siya ni Kreit eh, magkahawak kamay pa sila. Hinatid pa sa tapat nang condo, wala naman silang sinabi na magjowa sila pero masasabi mo talaga eh. Naghalikan pa nga" kuwento nito.

"Alam ko naman" sinamahan ko iyon ng tawa. "Iyon lang ba inaalala niyo? Ma-issue kayo, magtropa nga lang kami"  halos manginig ang labi ko nang sabihin ko iyon.

"Sige, tulog kana nga!" tumayo na si Alesia, nakanguso pa ito na mukhang nahiya sa pag-arte niya pa kanina.

"Oo nga, ito kasi si Alesia eh. Sinabihan ko na kanina eh" tumayo na rin si Shana at sumunod kay Alesia. Sila naman ngayon ang nag-away. Pag-alis nila ay saka ko pinakita ang tunay kong nararamdaman.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Ang paa ko ay na nakatapak sa sahig. Nakakapagod naman pala ang araw na 'to.

Lumipas ang araw, dalawang araw bago ang gala namin sa Laguna. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang pagkasabik ngunit mayroon ring kaba sa akin. Pupunta ba siya? Naaalala ko ang mga sinambit sa akin noong mga nakaraang araw ni Macy. Masaya siya dahil nagrereply na raw sa kaniya si abno, mas lalo niyang nagustuhan ito.

Hindi ko alam kung paghanga lang ito dahil alam kong may relasyon sila ni Clyde. Kahit na may kaunting muhi na nabubuo sa akin para sa kaniya ay hindi ko na lamang iyon pinansin pa. Siya ang may hawak ng buhay niya, isa pa hindi ko naman alam ang rason niya.

Nasabi ko na rin sa kanila na huling ko na iyon kasama sila dahil mag-aaral na ako. Nalungkot sa balitang iyon si Clyde at masasasabi ko na ring si Macy. At sa mga huling araw na nagtrabaho ako sa restaurant ay wala nang abno nagpakita pa ni anino. Wala naman akong karapatan para magalit sa kaniya ngunit may parte sa akin na umaasang sana ay pumunta siya.

Napagpasyahan naming sa pangalawang araw na lamang ituloy iyon para may bakanteng araw sa aming pahinga. Siguro iyon na rin ang selebrasyon ko sa huling araw na kasama ko sila ngunit hindi naman huling araw na makikita ko sila. Sana.

"Ano? Hindi ka talaga sasama? Gusto mo talaga bukas? Mabubulok ka dito, sinasabi ko sayo" dada ni Alesia sa gilid ko, dito pa talaga siya nag-ayos ng mukha niya para maabala lang ako. Nakahilata ako sa couch habang nanonood ng palabas, may chichirya pa sa gilid ko.

Inaaya kasi nito akong lumabas ngunit tinatamad ako. Ngayon lang ako nakapaghinga mula sa mga tinrabaho ko at ang sahod ko na pinakakinasasabikan ko sa lahat ay muntik ng mangalahati dahil sa mga perwisyong ginawa ko habang nagtatrabaho ako roon.

"Magpapahinga ako ngayon tsaka mamaya pupuntahan ko si tita Raine, ilang linggo ko na siyang hindi napupuntahan" iritadong sagot ko, hindi ko na kasi maintindihan ang pinapanood ko dahil sa ingay niya. Saka alam ko naman na madaling araw na naman ang uwi namin kapag kasama ko siya, maghahanap na naman 'yan ng lalaki lalo pa na kasama niya si Shana. "Huwag mo nang gagamitin ang kotse ko" pagbibigay alam ko. Siya ang gumagamit ng kotse ko noong hindi ko ginagamit.

"Okay. Isuot mo 'yong mga binili ko sayo ah? Mga bagong dress iterno mo sa mga heels na hindi mo pa naisuot" bilin rin niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Hindi nalang ako sumagot at itinuon ang mata sa aking pinapanood.

PEARL OF A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon