E P I S O D E 2 5 - M U N D O

Start from the beginning
                                    

"Oo naman! Lahat ng babae kailangan marunong magluto, 'yon ang isa sa mga nagugustuhan ng mga lalaki sa babae" tumango-tango pa siya. Gano'n ba 'yon?

"Hindi ako marunong eh" bulong ko nalang. Bigla naman siyang tumawa at hinampas ako sa braso. Napahawak ako roon dahil medyo napalakas.

"Syempre, tomboy ka eh" at napalakas rin ang sinabi niyang 'yon kaya naman nakuha niya ang atensyon ng mga customer. "Ay sorry po" paghingi niya kaagad ng pasensya niya at tumalikod ngunit narinig ko ang mahinang tawa niya, hindi nahiya sa naisigaw niya. Bumuntong hininga nalang ako, ngayon lalo kong pinagsisisihan ang tatlong taong pagpapakasaya ko. Sayang na sayang. Hinayang na hinayang.

Pagpatak ng oras sa lunch ay mabilisan lang ang ginawa kong pagkain. Kukunin ko lang naman saglit ang cellphone ko sa condo, hindi naman ako magtatagal. Nandito naman ang dalawa, masaya pa nga siguro sila na aalis ako. "Makikisuyo nalang ako, Clyde. Pakidala nalang sa kitchen, ah?" paghingi ko nang pabor kay Clyde na tumango-tango habang ngumunguya. "Salamat ah?" dagdag ko pagkatapos uminom ng tubig ay naglakad na ako palabas.

"Uy!" papasok na ako nang building ng may makabanggaan akong matangkad na lalaki. "Sorry" may hawak siyang puting paperbag, lalampasan ko na sana ngunit hinarangan niya ako. Pag-angat ko nang tingin ay tuod pala este Andson.

"Bakit? Pasensya na nagmamadali ako, naiwan ko cellphone kong nakacharge" aligaga na ako at handa para tumakbo nang itaas niya ang paperbag na hawak niya. "Power mac center?" basa ko pa. "Ah! Bago cellphone mo? Congrats!" tinapik-tapik ko pa balikat niya at handa nang takbuhin ang distansiya papuntang condo ko nang harangan niya ako ulit. "Ano na naman ba?" kinamot ko ang gilid ng ulo ko.

"This is yours, Shana gave it to me" binigay niya sa akin ang paperbag. Natulala naman ako sa kaniya at tiningnan ang nasa loob noon. Bakit naman ako bibigyan ni Shana nang bagong cellphone? Takha naman akong tumingin sa kaniya na kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa, may pinagpipipindot siya at itinapat bigla sa akin ang phone niya, sa banda nang speaker.

"Aki, si Shana 'to!" malambing na bungad nito. Kunot-noo naman akong napatingala rito kay tuod na nakatingin lamang sa cellphone niya. "May mga nangyayaring hindi talaga inaasahan dito sa mundong ibabaw, alam mo 'yon? Kasama ko kasi si Mommy na pumunta sa condo mo, kinuha ko lang ang iba sa mga gamit at hindi ko mahanap ang black na sling bag ko kaya hinanap ko sa kwarto mo. Sa paghahalughog ko, alam mo na...ayon natabig ko ang cellphone mo na nakacharge. Sadly, hindi siya nakaligtas pa kaya bumili na ako nang bago para sayo! Pasalamatan mo nalang si poging future tutor mo ah? Bye! Huwag ka sanang magalit" nalaglag ang balikat ko sa balitang iyon. Binulsa naman ni tuod ang cellphone niya.

Sumimangot nalang ako. May kasalanan rin naman ako sa kaniya kaya sa tingin ko ay patas lang. "Salamat ah?" sinserong ani ko.

"No worries, hatid na kita. I believe you're working at Sunshines"aniya na nakatingin sa logo sa damit ko at tinuro niya pa ang restaurant. Tiningnan ko muna ang paperbag bago sa kaniya.

"Hindi na, salamat! Diyan lang naman tsaka naabala kana nga ni Shana para dito eh" bahagya kong itinaas ang paperbag, pinapatungkulan ito. Napangiti siya, ito ang pinakasimple ngunit sinserong ngiting nakita ko buong buhay ko. Tinaas ko ang kilay ko at hindi ko naiwasang mahawa sa ngiti niya. "Ano? Bakit ikaw nga pala ang nagbigay nito at hindi si Shana?" tanong ko, kaunti nalang ay mananakit na ang leeg ko kakatingala sa kaniya. Matangkad din naman si abno pero mas matangkad ang isang 'to.

"Oh! She said it'll be safer if I'm the one who'll hand that to you. I think she's afraid you might kill her" tumawa siya nang marahan. Kinunot ko naman ang noo ko sa kaniya ngunit may ngisi sa labi ko.

"Buti nagpapakita kana nang emosyon ngayon, muntik ko nang isipin na robot ka eh" biro ko. Naiiling naman siyang tumawa, nakalitaw ang ngipin. "Tawang-tawa? Ayos kalang?"

"I'm fine, I just...I can't help it especially with you" naiiling na sagot niya, hindi parin tumigil kakangiti.

"Nakakatawa ba mukha ko?" turo ko sa sarili ko. "Iyong mukha mo nga 'yong mas nakakatawa, walang reaksyon parang tuod" pang-iinsulto ko.

"Because of your voice, you sounded like a guy" pareho kaming natawa sa sagot niya. Sa huli ay inihatid niya ako. Mabagal ang paglalakad namin at panay tawa pa. Hindi talaga siya palakibo kapag hindi niya kilala ang isang tao. Lahat raw ng mga naging kaibigan niya ay gano'n raw ang impresyon sa kaniya. Nabanggit niya ang tungkol sa pagtututor niya sa akin. Isa pala siyang instructor sa sikat na prestihiyosong unibersidad sa larangan ng business.

"Sino ang gwapings na 'yon, mahal na reyna?" napahawak ako sa dibdib ko nang sumulpot sa harapan ko si Walen, may hawak siyang pamaypay sa likod niya ay sina Jhun at Pema na minamasid ang papalayong si Andson.

"Si Andson" sagot ko. Umakto naman siyang inaabot ang walang kamalay-malay na tuod at pagkatapos ay maarteng hinalikan ang kamay niyang iyon. Si Pema naman ay napapaypay gamit ang sariling kamay habang si Jhun naman ay dinilaan ang kaniyang pang-ibabang labi pagkatapos ay malaswang kinagat ito. Mukha silang uhaw na uhaw sa papalayong tuod.

Iniwan ko na sila bago pa kung ano-anong itanong nila sa akin. Laking pasasalamat ko na hindi naghahalikan ang dalawa pagdating ko, may pinag-uusapan silang kung ano at engganyong-engganyo sila sa isa't isa. Hindi pa nila ata ako mapapansin kung hindi ko binuksan ang locker ko, nilagay ko roon ang paperbag na naglalaman ng cellphone.

Matagal-tagal na rin ang cellphone ko na 'yon. Gamit ko pa 'yon simula nang naggrade 12 ko sa highschool. Wala naman masyadong letrato roon o importanteng file na nakasave dahil hindi naman ako mahilig sa kung anu-ano. Ginagamit ko lang 'yon para komunikasyon. Angd dalawa lang naman ang mahilig.

"Ano 'yon?" tanong ni Macy.

"Wala" iyon lang ang sinagot ko. Ayoko rin namang pahabain pa ang usapan dahil nanunumbalik sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Napatingin ako kay Clyde na may inosenteng ngiti na nakatingin sa akin. Nginitian ko nalang sila.

Nagpatuloy ang trabaho, masasabi kong smooth lang. Walang nangyaring espesyal. Pagkatapos kong magbihis at maghilamos ay inayusan ko ang sarili ko. Pinabanguhan at lumabas na nang banyo.

"Wow! Ang ganda mo, Aki!" puri sa akin ni Clyde paglabas ko. "At ang bango mo rin" nginitian ko siya ngunit medyo napawi iyon ng makita ang sarkastikong ngisi ni Macy kay Clyde at hindi inaasahan ang pag-irap niya. Hindi siya nakikita ni Clyde dahil nakatalikod ito sa kaniya ngunit ako ay kitang-kita ko siya.

"Salamat" mahinang tugon ko. Sinserong ngumiti si Clyde at pumasok na sa banyo. Hindi ko nalang pinansin ang kung anong nakita o ano. Niligpit ko na lamang ang mga gamit at nauna nang umalis ng hindi nagpapaalam. Hindi ko alam kung bakit, inaabala narin naman ni Macy ang sarili niya na parang siya lang natira sa locker room.

Pagbaba ko ay katulad ng palaging bumubungad sa akin ay ang mainit na hangin sa siyudad ngunit walang nagpakitang abno. Nakaalis na lahat ng tao. Ako nalang natira sa tapat ng Sunshines. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at naghintay sa kaniya. Bumuntong hininga ako at naglakad na papuntang condo ko.

"Ang tagal niyo naman ng lalaki mo ah? Alas-dose na ah" masungit na bungad ni Alesia. Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok sa kwarto ko. Bakit ko ba kasi siya hinintay? Sa bagay, ano ko ba siya? Hindi porke sinabi niya sakin na gusto niya ako ay sa akin na tatakbo ang mundo niya. O kung gusto niya ba talaga ako dahil ako 'to? O dahil may kailangan siya?

to be continued...

PEARL OF A TOMBOYWhere stories live. Discover now