Sa panaginip na lang ba?

781 50 5
                                    

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas mula ng mangyari ang aksidenteng nagpalungkot ng buhay ko.

Aksidenteng umagaw sa taong mahal na mahal ko.

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas na puno ng luha ng kalungkutan ang sumakop sa akin.

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas bago ko mabalitaan na bukas na pala ang alis ni Kylle. Ililipat siya sa Switzerland para doon ituloy ang pagpapagamot at pag obserba sa lagay niya.

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas pero sariwa pa rin sakin lahat ng alala mo. Parang kahapon lang ang lahat.

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas pero nananatiling tulog si Kylle.

Kylle?
Pumapasok din kaya ako sa panaginip mo kagaya ng pagpasok mo sa mga panaginip ko?
Naaalala mo rin kaya ako?.

Halos gabi gabi ko siyang napapanaginipan. Pinupuntahan pa rin niya ako at sinasabi kung gaano niya ako kamahal.

Paulit ulit kong napapanaginipan ang mga salitang iniwan mo sakin.
Magigising na lang akong may mga luha sa mata ko.

Sa panaginip na lang ba kita makikita at makakausap. Dahil kung sa panaginip na lang handa akong samahan ka.

Kaya kylle,
Gusto kong malaman.
Sa panaginip na lang ba?

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now