4th Day (vacation)

963 70 7
                                    

FOLLOW/VOTE/COMMENT
Salamat sa mga bampira kong readers! Parang mga hindi natutulog. 😍

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

SHARING
ISABELLE'S POV

"Kylle yung totoo, may problema ka ba?"

"Wala."

"Sus. Eto naman. Ginawa akong bata. Alam mo halatamg halata naman sayo eh. Alam mo Kylle wag kang mag alala kahit pikon ako minsan may pagka goodlistener naman ako." sabi ko kay Kylle.

Medyo dinadaan daan ko na lang din sa biro para gumaan naman yung pakiramdam niya. Kanina lang ang saya saya niya.

"Wala nga." mahinang sagot niya

"Ganito na lang. Mag share ka tapos ako din. Tapos."

"Tapos?"

"Problema mo. Share mo sakin tapos ako naman. Tapos mag promise tayo na mas magiging strong tayo pag bumalik na tayo sa manila." paliwanag ko sa kanya

"Madaling sabihin yan."

"Alam mo Kylle. Yang mga problema kasi hindi naman natin maiiwasan yan. Lahat ng tao may problema. Dipende na lang kung pano mo ihahandle" payo ko sa kanya

Pero hindi siya sumagot kaya nag isip pa ko ng ibang mas makakagaan sa pakiramdam niya

"Tignan mo yan Kylle. Yang alon na yan. Dapat maging ganyan tayo."

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya

"Parang alon. Malakas, magpapahinga pero babalik ng mas malakas pa." seryosong sagot ko

"Wow. Deep."

"Deep talaga. Ang lalim kasi ng iniisip mo tapos ayaw mo naman ikwento."

"Okay. i'll tell you but you have to promise first."

"Anong promise?"

"You wont tell anyone."

"Yun lang pala eh. Magaling ako dyan sa secret secret na yan. Mapagkakatiwalaan ako wag kang mag alala." kampanteng sagot ko sa kanya

"I dont know where to start." nakayukong sabi ni Kylle

"Ganito. Bakit di mo simulan magpakilala?"

"Ha?"

"Magpakilala ka. Yung totoong ikaw. Yung totoong Kylle na hindi artista, mayabang, suplado, antipatiko, mapang asar pero pikon at pilosopo." pabirong sabi ko

"Ganun talaga kadami?" natatawang tanong ni Kylle

"Actually mas madami pa sana di ko na lang sinama yung iba baka umagahin tayo."

"That's overacting."

"Overacting ka dyan. Akala ko nga nung una pinsan mo si Lucifer eh." birong sagot ko

"Grabe na yan." natatawang sagot naman ni Kylle

"Oh tumatawa ka na. Siguro naman ready ka na mag kwento. Osige simulan natin."

Nakangiti naman siyang tumango kaya naisip kong simulan na yung "sharing" namin kumbaga.

"Hi Isabelle nga pala. Isabelle Guevara Hernandez. Ikaw?" pakilala ko na kala mo ngayon palang nagkita

"Kylle Mattew Senarillos" sagot ni Kylle sabay abot sakin ng kamay niya para makipag shake hands.

"Ah so middle name mo pala yung Mattew. Akala ko kasi..."

"No. That's my second name." mapait ang ngiting sabi ni Kylle

"Ah eh anong middle name mo?"

"Wala."

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now