Nasaan ka na??

741 46 3
                                    

ISABELLE'S POV

Dumating ang gabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Hindi ko alam kung namamahay ba ako. O talagang namimiss ko lang si Kylle. Isang buong araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin.

Sana okay ka lang.
Sana wala namang nagyari sayo.

Kinabukasan ay wala pa rin akong balita kay Kylle.
Walang missed call o text na galing sa kanya.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin nag riring ang phone niya.

Ano na bang nangyari sayo?

Maya maya ay nag ring ang phone ko. Natataranta akong tumakbo palapit dun para makita kung sino ang tumatawag.

Si Luke.
Sa totoo lang medyo nalungkot ako sa pag aakalang si Kylle na ang tumatawag.

"Hi pinsan! Ready ka na ba?"

"Ha? Ready??"

"Oo mag eenroll ka diba??"

"As in ngayon na ba?"

"Oo naman. Hindi na pinapatagal yan. Sunduin kita."

"Teka. Paano ang Lola?"

"Madali lang yan." sagot ni Luke ng biglang may kumatok sa pinto

"Teka." paalam ko kay Luke

"Goodmorning Maam."

"Goodmorning din. Sino po ang kailangan nila?"

"Ako nga po pala yung pinapupunta ni Sir Luke. Ako po yung private nurse ni Maam Emilia."

"Ah tuloy ka." sagot ko, "upo ka muna"

Kinuha ko ulit yung cellphone ko para ituloy ang pakikipag usap kay Luke.

"Hello Luke."

"Oh hello."

"Ikaw ba talaga nagpapunta sa nurse na nandito?"

"Oo pinsan."

"Mahilig ka talagang mang gulat" sagot ko tumawa naman si Luke

"Sunduin kita in one hour."

"Ok ingat ka." sagot ko bago ko tapusin ang tawag

Pinakilala ko si Lola sa nurse na pinapunta ni Luke. Masaya naman si Lola dahil may makakakwentuhan siya habang wala ako.
____________________________
Pag dating sa school.

"Grabe. School ba talaga to?" tanong ko

"Oo naman" sagot ni Luke "masasanay ka din."

Pagkatapos mag enroll ay kumain kami ng pinsan ko sa isang malapit na restaurant

"Luke." tawag ko sa kanya habang nagpapahinga kami pagkatapos kumain

"Oh bakit?"

"Nung araw na umalis kayo ni Kylle. May nabanggit ba siya sayo?" Nahihiyang tanong ko

"Nabanggit??? Hmmm. Tungkol saan? tanong naman ni Luke

"Baka may nabanggit siya na pupuntahan niya. O magiging busy siya. O lakad niya. Mga ganun."

"Miss mo na no??" naka ngiting tanong ni Luke

"Sshhh wag ka naman masyadong maingay." saway ko sa kanya

"Pero miss mo nga?" muling tanong niya. Nahihiya man ay tumango ako

Oo!
Miss na miss ko na sya.

"Ayiiieeeh. Sabi na eh." pang aasar niya

"Oh ano nga? May nabanggit ba siya?" pangungulit ko

"Hmmm wala naman." sagot ni Luke

"As in wala talaga? Kahit ano??"

"Hinatid lang niya ko nun tapos sinabi lang niya na ikamusta ko siya sayo." sagot naman ni Luke

Hindi ko pinahalata na nalungkot ako sa sagot niya. Pinilit kong kumilos ng normal dahil ayokong mag aalala siya.

Miss na miss na kita Kylle.
Ganito pala yung feeling

Pag uwi ay siya pa rin ang nasa isip ko.

"Ayos ka lang ba apo?" tanong ni Lola

"Opo Lola. Kayo po?"

"Maayos nama at magaling mag alaga itong si Ana."

"Salamat Ana ha." bati ko

"Wala po yun Maam hindi nama  ho mahirap alagaan si Lola Emilia."

"Isabelle na lang Ana."

"Ayan nga ang sabi ko sa kanya apo. Hindi tayo sanay sa mga ganyang Maam Maam." sagot naman ni Lola Emilia, ngumiti ako sa kanilang dalawa bago magpaalam

"Sige po Lola. Pasok muna po ako sa kwarto." paalam ko

"Sige apo."

Pagpasok ng kwarto ay muli akong napaisip

Bakit hindi ka nagpaparamdam?
Nagising ka na ba sa katotohanan na hindi talaga tayo?
Hindi na ba ako ang gusto mo?

Kylle.
Nasaan ka na?
Naaalala mo rin kaya ako?

Unti unting tumulo ang luha ko.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now