LOOK (luke) WHO'S BACK

821 61 7
                                    

Vote/Follow/Comment
❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Isabelle's POV

Hindi ako nagkamali
Si Luke nga.

"Pinsannnn." confident na bati sakin ni Luke sabay lapit sa harap ko na nakapormang aapir sakin

Hindi naman ako makagalaw dahil sa sobrang pagtataka

Pinsan?
Si luke? Pinsan ko???

Napatingin ako sa dalawa at nakita kong gulat na gulat din sila at nagtataka.

"Huyyy. High five naman diyan" si Luke. Napa apir ako sa kanya ng dahan dahan dahil hindi parin ako makapaniwala

"Pinsan??" tanong ko

Walang ano anong lumapit si Luke kay Kylle at Caloy para makipag kilala. Nakipag fist bump pa siya.

Hindi ko alam kung matatawa ako dahil naka nganga si Caloy at Kylle. Parehas hindi makapag salita.

Malamang ay nabigla din sila dahil buong akala namin ay wala na akong iba pang kamag anak.

"Ganon na nga Isabelle. Magpinsan tayo."

"Ha? Paanongggg. Paano???" nabubulol kong sabi

Naupo si Luke sa malapit ng upuan at tila komportableng nag kwento

"Ganito kasi yonnn." simula niya

Naupo naman kaming lahat na nakatulalang parang na hypnotize.

"Second cousin mo ko. Si Lola Emilia ang nakakatandang kapatid na matagal ng hinahanap ng Lolo ko." kwento ni Luke.

Kami naman naka nganga habang nakikinig sa kanya

"Natatandaan mo ba nung time na hinatid kita sa inyo?" tanong ni Luke at napa tango lang ako

"Nagulat ako nung sa paghahanap ko ng nawawalang kapatid ni Lolo ay dun ako napunta sa inyo at hindi din ako makapaniwala ng itanong ko sa kapitbahay niyo kung ikaw nga ang apo ng kapatid ni Lolo na hinahanap ko." paliwanag nya

Tahimik pa rin kaming tatlo

"At nung ma confirm ko nga na ang Lola Emilia mo. I mean Lola natin. Ang hinahanap ko na kapatid ni Lolo Emilio agad agad akong nagpunta dito kahapon ng mabalitaan ko ang nangyari." pagpapatuloy ni Luke

Tumingin siya sa aming tatlo na nakanganga pa rin. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at balikat

"What???" tanong niya

"Grabe Isay. Parang telenobela." si Caloy

"Yeah right." sagot naman ni Kylle

"So kamusta ang Lola?" tanong ni Luke

"Nasa ICU pa siya pero nakausap ko na ang doctor. Ibabalik na siya dito mamaya maya lang kaya lang hindi pa siya pwedeng kausapin."

"Ayos lang. Masaya kong okay na siya ngayon."

"Kailangan na lang daw ng konti pang pahinga para mabilis bumalik ang lakas niya." sagot ko

"Hindi pa alam ng Lolo na nakita ko na kayo. Gusto ko kasing makausap ka muna. Pero sigurado akong matutuwa siya na nakita na kita." si Luke

"Luke. Salamat nga pala sa tulong mo sa pagbabayad sa ospital. Sa totoo lang hindi ko na rin talaga alam kung pano ko babayaran yun."

"Wala yun insan ano ka ba. Diba tamang tama yung timing ko. Parang mga bidang artista sa pelikula."

"Speaking of artista. Kylle. Kailangan mo ng umuwi." biglang naalala ko

"Oh. Oo nga pala."

"Isay. Sasabay na muna ko kay Kylle pag uwi habang may kasama ka pa rito." si Caloy

"Osige Caloy walang problema."

"Babalik din ako agad. Siguro mamayang gabi."

"Sige salamat. Mag iingat kayo." bilin ko

Lumapit sakin si Kylle at hinawakan ang dalawang kamay ko

"I'll be back as soon as possible okay? Habang wala pa ang Lola magpahinga ka. Baka ikaw naman ang magkasakit." bilin ni Kylle . nakangiti naman akong tumango sa kanya

"Wait for me okay?"

"Okay." sagot ko. Hinawakan niya ako sa ulo para ilapit sa kanya at halikan ang noo ko

"Ehemmmm" sabay na pekeng ubo ni Luke at Caloy at nagtawanan na nga kaming lahat.

Umalis si Caloy at Kylle.
Sandali pa lang siyang nawawala pero miss na miss ko na agad siya.

Hihintayin kita.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Место, где живут истории. Откройте их для себя