PINSAN

872 64 7
                                    

Vote/follow/comment
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

SIDNEY'S POV

Pauwi na kami ng mommy ko galing sa dinner na nagpainit ng ulo at sumira ng gabi ko!

OMG! I CANNOTTTTTTT!

"My God mom! I cannot believe this! Arrrrggggh!!"

"Calm down Sidney!"

"Calm down??? Mom?? Seriously??" galit na tanong ko

"Diba sinabi ko naman sayo na hindi ko hahayaang masira ang pangalan mo dahil kay Kylle."

"I dont care about my name. I dont care about anything! I told you mom! I LIKE HIM! I LIKE KYLLE! SO MUCH!"

"I know okay? I know. Hindi ba sinigurado naman ni Martha na hindi na to mauulit ng anak niya."

"I think he's seeing someone else." galit na sabi ko

"Dont worry honey. He's yours. All yours. I promise. Nangako na rin naman ang mommy ni Kylle na from now on, magiging hands on na siya kay Kylle."

"Siguraduhin lang nila Mommy. Or else, they will regret it!"

"Hayaan muna natin siya. Tonight." tila may pagbabantang sagot ni mommy.

___________________________

ISABELLE'S POV

Bumalik kami ni Kylle sa kwarto ng ospital para doon maghintay kay Lola. Naabutan namin dun si Caloy na nagpapahinga at nagising siya pagpasok namin.

"Isay."

"Caloy anong balita?" natatarantang tamong ko

"Inoobserbahan pa si Lola. Nagkaroon daw siya ng minor attack pero dahil sa edad niya medyo nahihirapan na siya." malungkot na balita ni Caloy. Nakita kong nalungkot din si Kylle sa narinig

Napaupo ako ng marinig ko yun. Tila nanghina ang mga tuhod ko. Tumabi sakin si Kylle at hinimas ang likod ko.

"Isay. May isa pa pala kong sasabihin sayo." si Caloy

"Ano yun?" kinakabahang tanong ko

"May nag settle na daw ng bill ni Lola. Bayad na daw lahat." sagot naman ni Caloy

tumingin ako kay Kylle dahil baka siya ang gumawa nun pero mukhang wala syang kinalaman dun.

Kung hindi si Kylle??? Sino??

"Plano ko talagang bayaran lahat pero hindi ko pa nagagawa so its not me." salita ni Kylle

"Eh sino naman yun?" nagtatakang tanong ko

Bukod kay Kylle at kay Caloy na sobrang malapit sakin. Wala na kong iba pang maisip na mag aayos ng bill ng Lola.

"Nag iwan daw ng contact number sa cashier yung nagbayad kaso ayaw ibigay sakin dahil kabilin bilinan daw na sa kamag anak lang ng Lola ibigay." kwento ni Caloy

"Mabuti pa puntahan na natin." sagot ni Kylle

Agad kaming nagpunta sa cashier at nagpakilala akong apo ni Lola Emilia kaya ibinigay agad sa amin yung contact number.

Halos hating gabi na nun. Hawak kamay kaming bumalik ni Kylle sa kwarto.

Agad namang nag dial si Kylle para tawagan yung number at ipinasa niya sa akin ng may sumagot na.

"Ahhhm hello???" nag aalangan kong bati

"Yes hello?" sagot ng isang lalaki mula sa kabilang linya. Boses binata pa ito.

"Ako po si Isabelle. Isabelle Hernandez. Apo po ni Lola Emilia Hernandez." pagpapakilala ko

"Oy pinsan!" tila cowboy naman na sagot nito mula sa kabilang linya

At dahil naka loud speaker ang phone ni Kylle sabay sabay kaming nalaglag ang panga sa pagka bigla.

Napabalikwas pa si Caloy mula sa pagkakahiga at mas lalong lumapit sa amin para malinaw marinig ang kausap ko.

"Huyyy. Pinsan. Nandiyan ka pa ba?" tanong ng lalaki mula sa kabilang linya

"Pinsan???" Nagtatakang tanong ko

"Oo pinsan kita. Pasensya ka na. Hindi tayo nag abot kanina. Nagmamadali kasi ako dahil may kailangan pa kong lakarin eh. Kaya inasikaso ko na lang muna yung bill. Hindi kita mahanap e." komportableng kwento nito

"Pwede ko bang malaman yung pangalan mo? Tsaka panong... panong naging pinsan kita?"

"Babalik ako dyan bukas insan. Baba ko muna to ha! Nag da-drive ako. Ingat dyan. See you."

"Ha? Ahhh eh... Salamat."

"Nooo problem." tila komedyanteng sagot naman nito

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now