Paghahanda

1K 59 2
                                    

ISABELLE'S POV

"Luke. Dito na lang ko. Dyan na kami sa kanto na yan."

"Okay ingat ka." si Luke

"Thank you Luke ha. Salamat talaga. Ingat ka." nakangiting sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

"Alis na ko ha. Ingat din."

Kumaway pa ko bago naglakad palayo. Sobrang thankful talaga ko. Tipid na sa pamasahe less hassle pa.

Pag dating sa bahay. Nag isip na ko kung pano ko maghahanda. Halos 1week akong mawawala dito sa bahay.

Iniisip ko yung mga raket ko. Baka matanggal ako sa trabaho. Pero mas iniisip ko si Lola. Sinong maiiwan sa kanya. Kawawa naman yung Lola ko. Hayssss.

Tandaan mo Kylle. Sinasabi ko sayo! MAY ARAW KA RIN SAKIN.

"Lola nandito na po ako." bungad ko pagpasok ng bahay

Lumapit ako kay Lola para mag mano.

"Oh apo. Kamusta ang araw mo?"

"Medyo hindi po maganda pero ayos lang po." Sagot ko

"Mukhang may problema ang apo ko ha?" nag aalalang tanong ni Lola.

"Hindi po lola ayos lang po ako."

"Oh sya halika na at kumain na tayo."

"Sige po Lola." sagot ko

Masaya kaming kumain ni Lola pagkatapos ay lumabas ako ng bahay para magpaload.

Napaload tuloy ako ng wala sa oras eh. Marami akong kailangan asikasuhin at kausapin.

Pag balik ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko para makipag usap sa mga tatawagan ko.

Una kong tinawagan yung boss ko sa ultragas para magpaalam. At dahil nakabalik naman si Carlo dun pinayagan niya naman ako.

Sunod na tinawagan ko ay si Carlo.

"Hello?"

"Oh Isay napatawag ka? Daming load ha." sagot ni Caloy mula sa kabilang linya

"Caloy. May hihilingin sana kong pabor sayo eh" nag aalangan na sabi ko

"Ano yun?"

"Kasi may aasikasuhin lang sana kong problema. Kailangan ko umalis ng 1week."

"Ha? 1week? Pano si Lola Emilia?" gulat na tanong ni Caloy

"Yun na nga eh. Baka pwedeng tignan tignan mo siya. Kahit daan daanan mo lang." pakiusap ko

"Hhmm osige. Pero ano bang problema yang aasikasuhin mo?" tanong niya

"Pagbalik ko na lang ikekwento sayo."

"Nagsisikreto ka na sakin ngayon ha." nagtatampong sagot ni Caloy

"Hindi. Hindi naman sa ganun. Promise pag balik ko sasabihin ko sayo lahat. Medyo nagmamadali lang ako ngayon." Paliwanag ko

"Bakit ka ba aalis?"

"Bukas."

"Bukas agad?"

"Oo eh. Yung bilin ko sayo ha. Ibibilin ko din naman si Lola sa mga kapitbahay ko dito."

"Oo na nga sige walang problema. Bago pumasok tsaka bago umuwi sa trabaho dadaanan ko si Lola Emilia. Teka. Nakapag paalam kana ba kay boss? Kung hindi pa babanggitin ko na lang din."

"Natawagan ko na siya. Pumayag naman. Kasi nasa Ultragas ka na ulit. Salamat pala Caloy. Da best ka talaga! Ang swerte ko talaga sayo." natutuwang sabi ko

"Mas swerte ako sayo." pabulong na sagot ni Caloy

"Ha?" nagulat na tanong ko

"Ha? Ah eh wala. Ang ibig ko sabihin swerte ako sayo kasi mabait kang kaibigan sobrang sipag mo pa."

"Nambola pa to." natatawang sagot ko

"Totoo naman. Pag yumaman ako ipagpapatayo kita ng rebulto."

"Hero??"

"Hindi lang hero. Super hero! Darna ikaw ba yan?" pabirong sabi niya tumawa kaming dalawa

"Osige na Caloy. Mag aayos na ko ng gamit ko. Salamat talaga ha. Goodnight."

"Sige Isay. Ingat sa lakad mo. Text ka na lang pag may time. Goodnight." paalam ni Carlo bago maputol yung tawag

Medyo nakahinga na ko ng maluwag nabawasan ng konti yung pag aalala ko.

Itinuloy ko yung pag aayos ng gamit ko at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto

Nakita ko si Lola sa tapat ng bahay namin na nagliligpit ng paninda niya. Kaya tinulungan ko siya kaagad.

"Lola."

"Bakit apo? May kailangan ka ba?" tanong ni Lola

"Magpapaalam po sana ko." nag aalangan na sagot ko

"Bakit apo?"

"Kailangan ko lang po umalis ng isang linggo. May aasikasuhin lang po ako. Bukas na po yung alis ko Lola eh"

"Trabaho?" tanong ni lola

Hmmm trabaho nga ba yun?
Sabagay magiging maid naman ako para sa utang ko

"Ahmm opo Lola. Trabaho po. Kasi po lola may kailangan lang po akong bayaran." sagot ko

"May natitira pa sa binigay mo nung nakaraan apo. Magkano ba yang babayaran mo.?"

"Ah hindi po lola. Para sa inyo po yun. Mag iiwan pa po ako ng pang gastos niyo habang wala ako."

"Hindi na kailangan apo. Sapat na yun. Ikaw ang may kailangan ngayon. Yang pera mo dalin mo yan. Wag kang magpaka gutom sa pupuntahan mo. Teka apo saan ba yun?"

"Hindi ko pa po alam eh."

"Ha? Hindi mo alam? Isang linggo kang mawawala tapos hindi mo naman alam kung saan. Anong trabaho ba yan apo?" nagtatakang tanong ni Lola

"Ahhmm ano po Lola. Parang P.A po. Sa artista po Lola. Kay Kylle Mattew. Kaya hindi ko pa po alam lola kung saan." sagot ko

At nadulas na rin ako kay Lola kung kanino ako mag tatrabaho. Hindi talaga ko magaling sa pagsisinungaling pero hindi ko na sinabi sa kaniya yung dahilan. Ayoko kasing mag isip pa si lola

"Osige apo mag iingat ka dun ha."

"Pero kayo po yung iniisip ko eh"

"Wag mo kong alalahanin apo."

"Sigurado po kayo?"

"Oo naman apo."

"Wag po kayo mag alala Lola tinawagan ko naman po si Caloy. Dadalaw dalawin niya kayo rito."

"Osige apo. Pakisabi kay Carlo salamat. Napakabait na bata."

"Opo Lola."

Pagkatapos magligpit pumasok na kami sa loob at nagpahinga na si Lola. Dinoble check ko naman yung gamit ko kung wala na kong nakalimutan bago ako natulog.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now