Second Encounter

1K 61 3
                                    

"Ha-ha hmmm hi si-sir"

"Oh, so its you again." naka ngiting sagot naman nito

"Ha? Sir? Me?" patay malisyang sagot ko

"Yeah. Dont you remember me?" tanong ni kylle. Yes. Si Kylle ang nagmamaneho ng Ford Mustang na nakahinto sa harap ko.

"No. No sir i. I ddont re-remember you im so-sorry." Nauutal na sagot ko

"Oh i see. You do not know how to lie Miss Isabelle."

Ha? Kilala niya ko? Hindi na ko nakasagot. Yung dibdib ko parang sasabog sa kaba.

"Im not here to get a gas but to get what you owe me. I told you youre gonna pay for what you did last time"

"Pe-pero pero Sir."

"Meet me tomorrow 8am or ill sue you." singit nito bago ko pa matapos ang sasabihin ko

Nag abot ito ng calling card na may nakasulat na address

"Teka Sir bakit mo ko ipapakulong?"

"Because i can" sagot nito bago nito pinaandar ang sasakyan

Naiwan akong nakatulala at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ngayon ngayon lang.

Seryosoooo?
Teka! Baka naman nananaginip lang ako? Nalipasan ba ko ng gutom?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Sinampal sampal ko na ang pisngi ko pero hindi pala. Totoo pala to.

"Sino yun Isay?" tanong ni Carlo

Nagsimula akong magkwento kay Carlo tungkol sa lahat ng mga sinabi ni Kylle.

"Grabe naman yung ugali ng taong yun. Huwag kang magpunta Isay hayaan mong mamuti yung mata niya sa kakahintay sayo"

"Pero ipapakulong niya ko Caloy." Takot na sagot ko

"Pssh. Naniwala ka naman. Haha. Sabi lang niya yun. Tinatakot ka lang nun ikaw naman nagpasindak ka kaagad." tatawa tawang sagot ni carlo

Hindi ako nakasagot

"Alam mo isay. Pinag titripan ka lang nun. Ganyan talaga mga mayayaman at mga artista. Mga walang magawa sa buhay." tugon ni Carlo

"At isa pa. Sigurado ka bang pag aaksayahan ka talaga ng panahon nun? No offense meant ha. I mean, busy yung taong yun. Malamang nga mas busy pa yun sayo."

"Sabagay. May point ka dyan. Thank you ha. Nabawasan yung kaba ko. The best ka talaga." Sagot ko.

"Pasalamat ka may bestfriend kang pogi"

"Oo na lang" sagot ko at tumawa kami pareho

Medyo gumaan yung pakiramdam. Nabawasan yung takot at kaba sa dibdib ko kasi tama naman si Carlo eh.

Malamang pinag titripan lang ako nun.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now