Pain

790 49 1
                                    

Isabelle's POV

Nasa kwarto ako at nag iisip ng bigla na lang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Tumayo ako para kumuha ng tubig ng makaramdam ako ng pagkahilo.

Nabitawan ko ang baso at nabasag ito.

"Oh Isabelle ayos ka lang?" tanong ni ana, ang nurse ni Lola

"Oo medyo nahilo lang ako."

"Sigurado ka? Maupo ka muna. Ako ng bahala diyan." sabi ni Ana at nag abot sakin ng panibagong baso ng tubig

"Salamat ana pasensya ka na ha." nahihiyang sabi ko

"Ayos lang. Maupo ka muna dyan."

Maya maya ay nag ring naman ang cellphone ko

"Hello?" sagot ko

"Isay. Bumababa ka ng Condo."

"Ha? Ngayon??" nagtatakang tanong ni ko naman kay Caloy

"Basta. Magkasama kami ni Luke. Malapit na kami diyan."

"Bakit???"

"Basta Isay. Bumaba ka na ha."

"Ha? Osige."

"Ana bababa muna ako." paalam ko

"Oh diba masama pakiramdam mo?" Tanong niya

"Okay lang ako. Tumawag kasi yung bestfriend kasama daw si Luke. Pinapababa ako. Mukhang importante eh."

"Ah ganun ba? Sigurado ka ok ka ha."

"Oo ikaw na bahala magsabi sa Lola pag nagising ha." bilin ko

"Osige ingat ka."

"Salamat."

Pag dating sa baba ay naghintay ako kay Caloy at Luke.

Mga 10 minutes pa bago ko makitang parang ang sasakyan nila.

"Oh Caloy bakit??" nagtatakang tanong ko. Parehas silang hindi makapag salita

"Huyyy." saway ko sa kanila

Lumabas si Caloy sa sasakyan at binuksan ang pinto sa kabila

"Sumakay ka muna Isay." sabi nito sumakay naman ako at kasunod ko si Caloy

"Teka saan ba tayo pupunta?"

"Kay Kylle." sagot ni Luke

"Kay kylle? Nakausap niyo si Kylle?"

"Isay. Lakasan mo ang loob mo."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko pero hindi sila sumagot

Huminto kami sa harap ng ospital at nakita kong nagkakagulo sa labas nito

Maraming pulis at guard na pumipigil sa mga reporter na nagtatanggkang pumasok sa loob

"Bakit tayo nandito?" tanong ko pero punong puno na ng takot ang kaba ang dibdib ko

"Naaksidente si Kylle." malungkot na sagot ni Caloy

Nanlambot ang tuhod ko
Gusto kong sumigaw
Gusto kong magwala

"Hindi. Hindi totoo yan." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko

Lumapit sakin si Luke at Caloy para amuhin ako.

"Teka Caloy. Kailangan nating makapasok sa loob." si Luke

"Tama! Si Bea o si Sidney. Kailangan natin silang makita." sagot naman ni Caloy

Gulong gulo ako sa sinasabi nilang dalawa pero wala akong magawa.

"Dito ka muna." sabi ni Caloy

"Sige" sagot naman ni Luke

Halos labinlimang minuto na pero hindi pa bumabalik si Caloy.

"Tahan na." si Luke

"Luke bakit kailangang mangyari to?"

Ang sakit.
Ang sikip sikip ng dibdib ko.

"Makakaligtas si Kylle. Maniwala ka.tatagan mo loob mo." sagot naman ni Kylle.

Napatayo ako ng makita kong patakbong lumalapit samin si Caloy. Kasama si Bea.

"Tara na." ang sabi ni Bea
Tumango ako at agad na sumunod kay Bea at Caloy

Nakapasok kami sa loob ng ospital dahil alam nilang manager ni Kylle si Bea at pinakilala naman kami ni Bea bilang mga tao niya.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now