LOLO EMILIO

787 50 3
                                    

VOTE/FOLLOW/COMMENT
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

ISABELLE'S POV

Kinabukasan, maagang tumawag sakin si Luke para ipaalam na nasa airport na siya para sunduin si Lolo Emilio.

Masaya ko naman itong ibinalita kay Lola.

At nung dumating nga si Luke ay kasama na niya si Lolo. Sinalubong ko sila sa labas.

"Lolo." bati ko bago ako mag mano

"Kamusta ka apo?" tanong niya sakin

"Mabuti po."

Sabay sabay kaming pumasok sa loob at nakita kong maluha luha si Lola ng makita ang kapatid niya

"Emilio?"

"Ako nga ate." At nag yakap sila

Emosyonal ang naging tagpo. Nakakalungkot mang isipin na sa ospital nangyari ang "reunion" namin, masaya pa rin ako ngayong nagkita kita na kami.

Hinayaan muna naming magkamustahan ang magkapatid. Lumabas kami ni Luke para asikasuhin ang mga kailangan sa ospital dahil ngayong araw din ay makakalabas na si Lola

"Last check up na po sa Lola niyo mamayang after lunch then pag okay na po talaga siya pwede na po kayong ma discharge." sabi ng nurse na kausap namin

"Salamat po."

Umupo kami ni Luke sa bench harap ng kwarto ni Lola

"Luke." tawag ko sa pinsan ko

"Bakit?" tanong niya

"Sobrang saya ko."

"Oh ayan ka nanaman. Umiiyak ka nanaman. Anak ng pating."

"Sobrang saya ko. Sa pag dating niyo ni Lolo sa buhay namin ni Lola. Sana palagi na lang ganito."

"Wag kang mag alala. Nandito na kami. Hindi namin kayo pababayaan. Swerte mo, may lolo ka na nga na mabait may pinsan ka pang pogi." biro nito

"Osige na nga." natatawang sagot ko naman

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpunta na nga ang mga doctor para sa huling check up ni Lola. At sa awa ng Diyos. Maayos na maayos na daw ang lagay ni Lola at pwede na siyang ilabas.

Inayos ko na lahat ng gamit ni Lola at isinakay na namin ni Luke sa sasakyan niya.

Bago kami bumalik ni Luke sa taas para sunduin sina Lola ay nagpaalam muna ko sa kanya na tatawagan ko muna sandali si Kylle.

Tatlong beses ko siyang sinubukang tawagan pero hindi ko siya ma contact.

Busy siguro siya ngayon, kaya naisip kong mag iwan na lang ng message sa kanya para alam niyang naka labas na si Lola ng ospital.

Sinundo na namin si Lola at sinakay sa sasakyan katabi ni Lolo. Si Luke naman ang nag drive at ako ang katabi niya.

"Luke teka. Hindi naman dito yung daan papunta samin"

"I know."

"Eh bakit...??"

"Ssshhh. Wag lang maingay. I have a surprise." sagot ni Luke

Nagtataka man ako ay hindi na ako sumagot

Abalang abala si Lola at Lolo sa pag kakamustahan sa likod. Ng ihinto ni Luke ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building

"We're hereeee." masiglang sabi ni Luke.

Hindi naman ako makapaniwala dahil nasa tapat kami ngayon ng isang malaking condominium.

"Luke???" nagtatakang tawag ko sa kanya pero bumaba agad siya ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto sina Lolo at Lola.

"Tara na Isay." tawag niya sakin

Nalilito man, sumunod na lang ako sa kanila. Si Lola naman ay halos hindi rin makapaniwala.

"Pansamantala lang to Lola." sabi ni Luke "Dito muna po kayo titira. Syempre po alam ko naman na mamimiss niyo ang bulacan kaya naman bumili kami ni Lolo ng lupa dun para patayuan ng bago niyong bahay."

"Seryoso ka ba?" tanong ko

"Oo naman Isay. Diba sabi ko sayo kami na bahala sa inyo. Tignan mo, may design ako ng magiging bahay niyo. Nandito sa phone ko."

Pinakita samin ni Luke ang design ng bahay na pinapagawa na pala nila.

"Napaka ganda."

"Syempre. Ako yata nag design nyan" pagmamalaki ni Luke

"Masyado yata yang malaki para sa amin ni Isay."

"Lola tamang tama lang po yan." si Luke

"Nga pala apo. Nabanggit sakin ni Luke na gusto mo raw makapag tapos." Tanong naman ni Lolo Emilio

"Opo Lo," sagot ko

"Pwede mo ng asikasuhin yun. Magpasama ka kay Luke na mag enroll sa school na pinapasukan niya."

Sa pagkakaalala ko ay sa isang malaking international school pumapasok si Luke.

"Talaga po?"

"Oo naman apo. Mas maganda na rin yung magkasama kayong dalawa sa school."

"Salamat po." sagot ko kay Lolo sabay yakap

"Isay tara?" aya ni Luke

"Saan?"

"Sa grocery sa baba. Pag luto mo naman akoooo. Sawang sawa na ko sa pagkain sa fast food." parang batang request nito

Natatawa naman akong sumunod sa kanya. Nagpaalam kami kina Lola bago lumabas.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now